a l e x i t h y m i a

4 1 0
                                    

Alexithymia

~~~

Naglalakad ako sa hallway habang nakayuko at nakahawak sa strap ng bag. I just transferred to this school.

Medyo late na ako kasi hindi naman talaga ako dapat di mag aaral napalipat lang ako kasi may project dito ang daddy ko.

Engineer ang daddy ko kaya wala kaming permanenteng tinitirhan. This school is my 7th school I think.

Huminto ako sa tapat ng isang classroom.

"Class 3-A" basa ko dito saka kumatok at pumasok. Ang mata ng mga tao ay nakatitig sakin. I'm a head turner wherever I go kaya sanay na ako

But there's this one guy that caught my eye. Walang emosyon ang mukha niya. Hindi siya yung cold look literal na wala.

"Good morning maam" bati ko sa prof na nasa unahan. Hindi naman ako late kaya pinapasok niya ako.

"Okay everyone this is the new student I was talking about just a minute ago" sabi niya saka humarap sakin

"Please introduce yourself" sabi niya sakin

"I'm Kiara Monteverde nice to meet you" pagpapakilala ko

Ang iba ay ngumiti at ang iba naman ay umirap. I'm used to it.

"Okay Miss Kiara kindly take a seat beside Mr. Lester" sabi ng prof habang nakaturo sa lalaking walang ekspresyon sa mukha. Lumapit ako sakanya saka umupo sa tabi niya

Nagpatuloy na sa kung ano anong sinasabi ang prof habang ako ay pasulyap sulyap kay Lester

"Hello ano pangalan mo?" Tanong ko dito kahit alam ko na talaga

"Lester Velasquez" sabi nito

"Uhh galit ka ba or bad mood?" Tanong ko sakanya

"a strong feeling of annoyance, displeasure, or hostility." Bulong nito

Ipinagsawalang bahala ko nalang iyon at nakinig sa prof namin.

[Break time]

"Hi Kiara!" Sabi ng isang babae

"Hello" bati ko pabalik pero ang mata ko ay naki Lester na naglalakad palabas

"I'm Jessie and yung lalaking yun si Lester" sabi niya ng nakangiti pa din

"Bakit ganun siya? Walang emosyon ang mukha niya saka nung tinanong ko siya kung galit siya may kung anong binulong siya?" sabi ko

"He have alexithymia" sagot niya

"Alexi--- what?"

"Alexithymia, the inability to recognize or describe one's own emotions." Explain niya sakin

"Is there a cure?" Tanong ko

"I don't know" Jessie said then shrugged

I wanna help him

[Next day, 9:00 am]

"Good morning Lester" nakangiting bati ko dito

Tinignan niya lang ako bago bumalik sa ginagawa niya

"Nag agahan ka na ba?" tanong ko dito. Umiling siya. Inabot ko sakanya ang pagkain na ginawa ko para sakanya.

Tinignan niya ito pero kinain din

[12:00 pm]

"Lester tara lunch" aya ko dito

Tumayo siya saka naglakad papunta sa pintuan. Akala ko aalis na siya pero hinihintay niya pala ako.

Kinuha ko ang lunch ko saka sumabay sakanya.

[5:00 pm]

"uuwi ka na?" Tanong ko sakanya

Tumango siya at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit niya

"San bahay niyo?" Tanong ko ulit

"Katabi ng bahay niyo" sagot niya. Alam ko yun gusto ko lang siguraduhin

"Sabay na tayo" sabi ko dito

Di na siya nagsalita at kinuha niya ang librong dadalhin ko dapat.

Nagpatuloy na ganun kami pero napapansin ko medyo lumalambot siya at nasasanay na din.

Gusto ko ituloy ang ganung gawain kaso dumating ang araw na ito. Lilipat na kami kasi may ibang project si daddy. Hindi naman mahirap para sakin dati ang lumipat pero ngayon hindi. Dahil kay Lester.

"Tara na Kiara" sabi ni mommy kaya sumakay na ako sa kotse. Hindi ako nakapagpaalam kay Lester kasi biglaan.

Nakalimutan ko pala hingiin ang number niya!

Bababa pa sana ako kaso umandar na ang kotse. Hayst naman.

[4 years later...]

Naglalakad ako sa mall ngayon. Tamang gala lang since medyo stress ako. You know, college life.

Pumunta ako sa isang ice cream parlor saka bumili ng ice cream. Paalis na dapat ako ng ice cream parlor ng may nakabangga ako.

"Sorry miss" sabi nito

"Okay lang" sabi ko dito saka ko siya tinignan

"Kiara?" Sabi ni Lester. Nagulat ako ng niyakap niya ako. Shete namiss ko siya ng sobra.

Umupo kami sa isang table at napansin kong nakangiti siya. Wala na ba siyang alexithymia?

"Wala na, salamat sayo" sabi niya sakin

"Hindi ko pa nga tinatanong eh" pabirong sabi ko dito

"bakit nawala ka bigla? Alam mo bang hinanap kita?" nalungkot naman ako sa sinabi niya

"Biglaan din kasi eh" sabi ko pero nginitian niya lang ako.

Di pa din ako sanay sa ngiti shemay mas lalo akong nafafall.

"Teka nga muna, paanong ako ang nakatulong sayo?" tanong ko dito

"Easy" tumayo siya saka tumabi sakin.

Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko saka sinabing

"Because I fell in love with you"

[e.n.d]

s h o r t sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon