Superstition
~~~
Ramdam ko ang sobrang pagod habang naglalakad ako pauwi. Kakababa ko lang ng jeep kaya naglakad na ako papasok sa subdivision namin.
Masyado kong pinagod ang sarili ko kaka practice kaya medyo nahihilo ako ngayon.
Pagkadating ko sa bahay ay parang may kakaiba. Masyadong tahimik. Dati tuwing pag uwi ko ay rinig na rinig ang tugtog mula sa speaker ni daddy.
Siguro wala sila kaya tahimik. Hindi man lang ako sinabihan. Pagpasok ko sa bahay ay patay ang mga ilaw. Hindi na ako nagabala pang buksan ito dahil dumiretso na ako sa kwarto ko.
Naligo ako saka nagbihis. Umupo ako sa kama ko at nagsimulang patuyuin ang buhok ko.
Nang matapos ako ay naalala ko na may kailangan pa pala akong tapusin. Hinanap ko ang laptop ko pero wala siya sa kwarto ko.
"Baka nasa kwarto nila mommy" sabi ko
Bago ako lumabas ay tinignan ko muna ang oras sa cellphone ko
7:08 pm
Anong oras na pero wala pa din sila mommy hayst.
Lumabas nalang ako ng kwarto ko at naglakad papunta sa kwarto nila mommy na dalawang kwarto pa mula sa akin.
Bubuksan ko na sana ang pintuan nila kaso naramdaman kong basa ito. Pagka tingin ko ay dugo. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Bakit may ganito?
Kahit nanginginig ay pinihit ko ang doorknob. Napaupo ako sa sahig matapos makita ang duguan at wala ng buhay na katawan nila mommy.
May hiwa silang dalawa ni daddy sa lalamunan nila at putol ang kanilang dila.
Napatingin ako sa relo sa tabi ng kama ko 7:10 pm
"Hi Kylie, glad you're already here. I've been waiting for you"
Napatayo ako sa kinauupuan ko dahilan para tignan ako ng mga kaklase ko pati na din ang teacher ko.
Nag daydream lang pala ako.
"I'm sorry sir" umupo ulit ako ng maayos at tumuloy na sa pag didiscuss si sir
"Kylie okay ka lang?" Sabi ni Rish, kaibigan ko.
"Oo nag daydream lang" sabi ko naman
"Masama ba masyado? Bigla ka kasing tumayo eh" tumango na lamang ako sa tanong niya.
"Nako daii kumatok ka sa kahoy baka magkatotoo yan" sabi niya sakin pero hindi ko sinunod
"Hay bahala ka jan basta winarningan na kita" nginitian ko lang si Rish saka nakinig sa teacher namin
Silly superstitions. I don't believe in those things.
Maayos naman ang buong araw ko pero sobrang nakakapagod kaya umuwi agad ako. Dumiretso ako sa kwarto para mag ayos.
Kinuha ko ang cellphone ko at nakita kong 7:08 na. Bakit kaya wala pa sila mommy?
Bigla akong nakaramdam ng kaba. Dapat bang naniwala ako kay Rish? Dahil sa takot ay nagmamadali akong pumunta sa kwarto nila daddy.
Walang dugo sa doorknow kaya kumalma ako ng unti.
Binuksan ko ang pintuan dahilan para manlambot ako. Shit. Please tell me this is another day dream.
Tinignan ko ang oras.
7:09 pm
Tatayo na dapat ako pero may naramdaman akong mainit na hininga sa bandang tenga ko at may malamig na kutsilyong nakalapat sa leeg ko.
7:10 pm
"I've been waiting for you" huling salitang narinig ko bago ko naramdaman ang hapdi ng kutsilyo sa aking leeg.
[c.u.t]