Chapter 5: Mark
POV
- Mark -
"Sa Lahat ng Scholar dito sa K.A ikaw ang pinakapaborito ko Mark"
"Ahehehe salamat po Mr. Kang"
"Uuwi ka na ba? Gusto mo sumabay ka na sakin, madadaanan ko naman ang Apartment mo"
"Ayy wag na po Mr. Kang kaya ko po, saka mag hahanap pa ako ng Maa-apply-an na Extra job"
"Mag ingat ka na lang" bigla naman nya nilabas ang Wallet nya "Eto 500"
"Po? Naku wag di ko po matatanggap yan"
"Sige na tanggapin mo na, saka isipin mo na lang yan ang Bayad ko sa pagtulong mo sakin kanina"
"Ahh-Ehh salamat po"
Ako nga pala si Mark Julius Parajes, Full Scholar sa Knightley di ako mayaman dahil Mahirap lang kami, nag aapartment nga lang ako kasi ang pamilya ko nasa Probinsya *sigh*
Napatingin naman ako sa perang inabot sakin ni Mr. Kang kanina
Pwede ko ng pang gastos to sa Loob ng limang araw
Si Mr. Derek Kang, ang teacher namin sa Music class sa Lahat ng Teachers at profs dito sya lang ang Mabait sakin at sa iba pang Scholar na gaya ko
"Naku Hijo pasensiya na di ko na kailangan ng tauhan dito masyado na silang madami"
"Ganun po ba? Sige salamat na lang po"
Grabe, sa Lahat ng pinag applyan ko wala laging Hiring,
at ito ngang huli sa isang Mini Restaurant ako ng apply pero bigo parin
Alas syete na, may mga Homework pa pala ako
bago umuwi dumaan muna ako sa isang karinderya para dun na Lang kumain
"Kuya! Nagugutom na ako" Bata 1
"Tiisin mo muna wala tayong pambili eh" Bata 2
Napatingin ako dun sa dalawang bata na nakaupo sa Kalsada,
halatang mga pulubi
"Hoy umalis nga kayong dalawa sa tapat ng Karinderya ko" pag tataboy nung may ari ng Karinderya sa kanila kaya Lumapit ako
"Ate, kakain po sila dito"
"Ano? Eh wala namang pambayad ang mga yan!"
"Ako po ang mag babayad"
"Naku! Oh sya umupo na kayo dun"
"S-salamat po Kuya" Bata
-------------------------------------------> MARK