Tawanan at hagikhikan ang maririnig sa classroom. Ang bawat estudyante ay nakatingin sakin habang tumatawa na tila wala ng bukas.
Pinagpag ko ang alikabok sa katawan ko na nagmula sa pambura ng chalk na inilagay sa taas ng pinto.
Unang araw ko pa lang, ganito na agad! Nakakainis sila.
Bigla silang tumahimik at napatingin sa likod ko. Napalingon ako. Nandito yung lalaking nakapormal na suot kanina kasama ng isang babaeng nakayuko.
Napokus yung tingin ko doon sa babae. Nahaharangan ng bangs ang mukha nya. Mahaba ang buhok nyang medyo manipis na hanggang bewang. Medyo mas mababa sya sa akin.
Gumilid ako upang makadaan sila.
"Magandang umaga. Umupo ka na iha. Ikaw din Lily."
Umupo ako sa pinakadulo. Sinundan naman ako ng tingin ng mga kaklase ko. Merong nagyoyosi, nakacivillian, may kulay ang buhok at iba pa. Ano bang klaseng paaralan ang napasukan ko?
Tumabi sakin yung babae na Lily ang pangalan. Tinuon ko na lang yung tingin ko sa lalaki na dean pala ng unibersidad na ito. Kaya pala ganun na lamang ang respeto ng mga estudyante dito.
Pag-alis ng dean ay halos sabay-sabay silang tumingin sa kinaroroonan ko.
Tumayo yung isang babae na may kulot na buhok at maikling palda. Bukas din ang unang dalawang butones ng blouse nito. May bitbit itong sigarilyo tsaka lumakad papalapit sa kinaroroonan ko.
Napalunok ako. Umupo sya sa desk namin ni Lily.
"Lily, ang kamay mo. Akin na." sabi nito tsaka binugahan ako ng usok na naging sanhi ng marahang pag-ubo ko.
Inilagay naman ni Lily yung braso nya sa harap ng babae. Nagmamasid lang ako at ang mga kaklase ko.
Nagulat ako ng bigla nitong inilagay ang sigarilyo nya sa kamay ni Lily at pinilit nya itong isara. Hindi umiimik si Lily pero halata sa kanyang nasasaktan sya sa ginagawa nito sa kanya.
Nagtawanan ang buong klase. Maliban kay Lily. Maliban sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nanatili lang akong gulat at walang magawa sa mga nangyayari. Habang si Lily, nasasaktan. Pero bakit hindi sya lumalaban?
Tinulak ko ang babae na naging sanhi ng pagbagsak nya sa sahig.
Napatigil ang lahat sa pagtawa. Tinignan ako ng buong klase na parang may ginawa akong isang napakalaking kasalanan. Ginawa ko lang naman ang tama ah!
Tinulungan syang tumayo ng isang lalaki. Mukha itong gangster dahil sa madami nitong hikaw sa tenga. Maangas ito magdamit at kumilos pero tila lumambot ang pagkatao nya pagkalapit nya sa babae.
"Beatrice, okay ka lang ba?"
Tinulak lang sya nito tsaka tumayo. Nagpagpag ng damit tsaka tumingin ng masama sakin.
"Ikaw, babae ka!"Tinuro nya ako.
Alam kong susugurin nya na ako kaya napapikit ako.
Ngunit matapos ang ilang segundo ay wala akong naramdamang kamay sa pisngi ko o kung ano mang masakit sakin.
Napadilat ako nang narinig ko ang sigawan at tilian sa mismong classroom kung nasaan ako.
Pero, wala pa din akong makita. Madilim pero naririnig ko padin sila lalo na ang isang iyak na nagmumula sa harap ko.
Iyak na parang nasasaktan.
Pagkabukas ng ilaw, isang kagimbal-gimbal na sitwasyon ang bumugad sa aming lahat.
(Napakaikling UD. Hi, sayo na nagbabasa. Nagustuhan mo ba? Comment ka naman :))
BINABASA MO ANG
Ang Bestfriend kong si Lily
Mystery / Thriller"Bestfriend. Ibig sabihin, walang iwanan. Damayan kahit anong mangyari. Diba, Katherina?"