Chapter 1

25 2 1
                                    

Madilim ang paligid. Ilaw lamang sa pinakadulo ng gusali ang natatanaw ko mula sa kinatatayuan ko.

Magaan na hakbang ang ginawa ko habang takot at kaba ang tanging nararamdaman ko. Kakaiba. Di pangkaraniwan.

Tunog ng pagpatay-sindi ng gusali, malakas na kabog ng dibdib ko at isang kakaibang tunog ang tanging naririnig ko. Tunog na parang may hinihilang bagay na sadyang sinasayad sa sahig.

"Bestfriend, san ka pupunta?" isang pamilyar na boses ang narinig ko. Boses na dumagdag sa takot at kaba ko.

Asan ba ako? Bakit ako nandito? Bakit SYA andito?

Madaming tanong na bumabagabag sa akin. Yung tunog na bagay na hinihila at mababagal na hakbang ay palakas ng palakas. Tila palapit na palapit.

Tumingin ako sa dulo kung saan kakaunti lamang ang liwanag na nanggagaling pa sa patay sindi na ilaw. Natanaw ko ang isang babaeng mahaba ang buhok. Nakaputi at medyo maliit.

"Lumayo ka!" pilit kong sigaw na may halong pagkautal dahil sa matinding takot.

Ang babaeng na may bitbit na kung ano ay ngumisi lamang sakin. Ngiting nagpadagdag sa kaba at takot ko. Ngiting nagpataas sa lahat ng balahibo ko.

Tumawa lang sya ulit. Palapit sya ng palapit sa akin. Tsaka ko napag-alamang isang batutang puno ng dugo ang bagay na bitbit nya kanina pa.

Punung-puno na ako ng takot. Papalapit na sya ng papalapit habang ang mga binti ko ay nananatiling nakatayo at naninigas.

"Wag kang lalapit! Wag kang lalapit! Hwaaaaag!"

Tawa lang ang sagot nya sa sigaw ko. Palakas ng palakas habang papalapit sya ng papalapit.

"Okay lang yan, Katherina.. Hahahaha!" sabi nya sakin habang humahakbang.

"Wag kang lalapit! Baliw ka!"

Pagkasambit ko ay nawala ang nakakatakot nyang ngiti tsaka tumingin ng masama sa'kin. Ang mga mata nya ay puno ng galit.

Itinaas nya ang batuta nya tsaka sumigaw ng napakalakas habang nakatayo padin sya sa pwesto nya. Samantalang ako, nananatiling nakatayo sa lugar na ito at di makagalaw.

Tumakbo sya habang amba ang batuta at papalapit sa akin. Habang sumisigaw..

"AHHHHHHHHH!"

Napapikit ako. Katapusan ko na.
.
.
.
.
.
.
.
"Hoy Katharina! Gumising ka na, papasok ka pa." sigaw ng mama ko mula sa baba.

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Isang panaginip lang pala. Ay hindi, isang bangungot. Isang katakot-takot na bangungot na parang totoo.

Bumangon na ako sa kama. Ang malaking espasyo ng bago kong kama ay laging nagpapabagabag sakin sa gitna ng gabi. Parang may kakaiba o baka naman nagiging paranoid lang ako.

Katharina Dela Cruz. Labing pitong gulang ako at ngayong semester, inilipat ako ng unibersidad ng mga magulang ko sa di malamang dahilan.

Ewan ko ba pero natatakot ako sa bago kong paaralan. Kakaiba kasi ang awra nito para sakin.

Matapos kong mag-ayos ay pumasok na ako.

"BS Psychology? Bs Psychology ang course mo, iha?" tanong ng babaeng nakabantay sa window na pinagtanungan ko. Medyo may edad na sya at ang mukha nya ay punung-puno ng pagtataka.

"Opo, bakit po?"

"Nakapagtataka lang." sabi nya tsaka bumalik sa lumang kompyuter nya at may hinanap na kung ano. "Ang alam ko kasi, iha.. matagal ng inalis ang course na yan dito. Di ko alam na binalik pala."

Katahimikan. Isang mahabang katahimikan ang nabalot sa pagitan naming dalawa. Tsaka ako nagsalita.

"Bakit po sya inalis dati?"

Tumingin muna sya sa paligid tsaka lumapit sa akin. "Yung mga psych students kasi noon may pinageksperimentuhan na estudyante din dito."

Napatigil ako saglit. Hindi ba't ang unethical yun?

"Kaya ayun, halos lahat ng nagsapsych unti-unting nawawala at nagsisialisan sa di malamang da-"

May tumikhim sa likod nya kaya tumigil sya sa pagkukwento.

"Mrs. Buenaventura, bakit di mo na lang ibigay ang schedule ng bago nating estudyante?" sabi ng isang lalaking nakapormal na damit. Puti na ang halos lahat ng buhok nito at maayos ang tindig nito na parang sinisigaw ang salitang respeto.

Sinunod nya naman ito tsaka ako nginitian ng parang may nais ipahatid. Inisantabi ko na lang ito tsaka nagpaalam na umalis.

Umalis na ako at iniwan ang dalawa. Pinuntahan ko na yung silid-aralan ko sa oras na ito. Kumatok ako tsaka ito dahan-dahang binuksan ang pinto.

"AAAAAAAAAH!"

Ang Bestfriend kong si LilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon