Blind

2 0 0
                                    


"BLIND"
October 20, 2025

    Sa panahong ito I thought mababago ko ang mundo. But then bulag parin pala ang mga tao sa nangyayari sa kapaligiran. Nagtatago parin sila sa dilim. Habang naglalakad ako sa daan may nakita akong ale na nanghihingi ng limos mula sa isang mayaman na lalaki, pero imbes natulungan siya tinulak pa siya nito. Dahil sa awa nilapitan ko siya at tinulungang makatayo.

"Ok kalang po la?" tanong ko. Ngumiti siya sakin sabay sabing.

"Masaya ako at may magagandang puso parin pala ang nagmamalasakit sa aming mga  naghirap at sinubok ng kapalaran." Naawa ako ako sa kanya at di ako nagdalawang isip na yakapin siya.

"Dati kaming mayaman ineng. Masaya kami ng asawa kong nag aasikaso ng tinayo naming negosyo. Ang mga anak naman namin ay kanya kanya ng nag asawa at iniwan kami matapos silang makapag aral. Hindi man lamang sila nag paalam, ang alam namin mag papakasal na pala sila. Buhay nga naman. Di mo malalaman kong ano ang susunod na mangyayari."

"Ako nga pala si Jamaica lola, upo muna tayo?" yaya ko sa kanya.
"Tawagin mo nalang ako lola Kaye. Alam mo matapos magpakasal ang mga anak namin lumipad sila sa ibang bansa at doon na piniling manirahan. Ang dahilan nila? Panget daw ang Pilipinas. Di umuunlad. Di ko naman sila mapigilan, pero nasaktan talaga kami. Parang hindi direkta narin nilang sinasabi na pinagsisihan nilang dito sila sa Pilipinas isinilang. Ewan ko ba sa mga kabataan ngayon. Imbes tulungang umunlad ang Pilipinas sila pa ang tumutulak para lugmukin ito ng husto." ang sakit naman ng karanasan ni lola.

"Ehh napano po yung asawa niyo??" tanong ko sa kanya.

"Nagkasakit sa kunsimesyon. Huli narin ng malaman kong may sakit  pala siya sa baga. Naubos lahat ng pera namin sa pagpapagamot sa kanya. Ginusto naming humingi ng tulong sa mga anak namin pero di na talaga sila ma abot ng mga tawag namin. Ako na nag aasikaso ng negosyo ay napilitang ibenta ang pinaghirapan naming ipundar ng asawa ko. Iyon nga ang dahilan kung bakit nakapagtapos lahat ng anak namin. Pero sadyang hindi parin sapat na tustusan ang mga pangangailangan namin mula sa perang nakuha namin mula roon. Sinunod kong ibenenta ang bahay at mga pag aari naming lupain tiyaka ang aming iba pang ari arian. Pero huli na ang lahat. Namatay ang asawa ko dala dala ang sakit na kailan man ay  hindi na malulunasan. Naubos ng pera sa lamay at burol niya. Hirap na hirap ako noon. Wala akong nagawa kundi iiyak lahat ng sakit. Samantalang ang mga anak namin ay niisa walang dumating, di rin naman nila alam."

"Bakit po nag end up kayo sa ganitong sitwasyon? Namamalimos?"

"Wala na akong pera kahit lagyan nalang ng laman ang sikmura ko. Kahit labag sa loob ko ay nilalakasan ko nalang ang loob kong manghingi at patuloy na mabuhay. Ang saklap nga ehh ang dating nagbibigay noon, nanghihingi na ngayon. Akala ko lahat katulad ko na nagbibigay ng sobrang kayamanan, sa mga taong nangangailangan. Pero nagkamali ako bulag pala ang lahat sa katotohanan. Paano nga ba baguhin ang kanilang iniisip? Sana ay simulan mo na kung anong gagawin ngayon."

"Akoy isang ganap at marangal na abogado. Pero ni minsan diko tinakpan ang katotohanan. Sinasandalan ako ng mga biktima ng karahasan. Pero sa tingin ko'y hindi parin sapat namay pinapalaya at pinapakulong ako. Marami ang galit sakin, ilang beses na akong muntik mamatay. Sabihin mo saakin la paano ko sisimulan ang pagbabago na ninanais ko?" ngumiti lamang siya at sinabing kaya ko kung pagbubutihan ko.

"Batid ko na may pupuntahan kapa. Hindi kaba mahuhuli?" tiningnan ko ang orasan at napagtanto kong late na ako sa hearing.

" Aalis muna ako la, pangako babalikan kita. Salamat"

"Salamat din. Ngunit baka'y hindi muna ako maabutan." binigyan ko siya ng ngiti at naghanap na ng masasakyan patungo saking destinasyon.
Pagkatapos ng hearing ay dali dali akong bumalik kung saan ko iniwan si lola. Pero huli na ako, nakita ko siyang nakahandusay sa kalsada punong puno ng dugo. Nasagasaan siya o pinili niyang kitilin ang kanyang buhay? Hindi mo nga talaga na pepredict ang lahat na mangyayari. Ika nga ng kanta too much love will kill you. Nagmahal lang naman siya ahh? Pero bat hindi siya sinuklian ng pagmamahal? Ako ang lahat na pumasan sa gastusin ni lola mula lamay hanggang libing. Di ko inantala ang gastos. Kung may malasakit tayo sa kapwa ay dapat marunong natin silang ibilang sa ating mga kapamilya. Nandito ako ngayon sa puntod ni lola Kaye at kinakausap siya.

"La sana masaya ka na diyan. Di mo na sana maranasan ang paghihirap." ngumiti ako at hinay hinay ng naglakad patalikod. Marami akong natutunan at sa mga nangyari, batid kong kaya kong hanapin ang katotohanan at gamutin ang mga matang nagbubulag bulagan.

-END-

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon