Chapter 2

112 3 2
                                    

*Dug*dug*dug*dug*dug

Ano ba 'to bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Nang binuksan ko na ang test paper ko, nagulat ako sa nakita ko, at hindi nga ako nagka mali BAGSAK nga. Haist papano na 'to? Nang nakaupo na ako sa upuan ko, agad namang tumulo ang luha ko at napaiyak ng tuluyan ng nilapitan ko nina Carrie at Avah.  Nag bigay sila ng payo sa 'kin at nakikinig naman ako ng mabuti. "Alam mo Mago, okay lang yan hindi pa naman final 'tong grade natin eh. Kaya may chance ka pang mag pa empress kay ma'am." Gumaan naman pakiramdam ko sa sinabi ni Avah sa 'kin. Pero agad naman akong natahimik ng mapansin kong tahimik 'din si Carrie, Tinignan ko siya at agad siyang nag salita "Mago, 'di mo naman kailangang malungkot eh, kasi-- kasi ano-" Ano ba kasi Carrie? sabi ko. "Kasi BAGSAK 'din ako! whoo! Mago ha?! nangongopya ka 'ba saken ha? Bakit bagsak ka 'din? hahaha!" Agad naman akong napatawa ng malakas sa sinabi ni Carrie sa akin, Kasi diba? Ang lungkot-lungkot ko na tapos ganun pa sasabihin niya, gago lang no?. Tss

"Alam mo Mago, 'kesa na mag mukmok ka diyan, Magpakasaya ka kasi hindi lang ikaw ang bagsak no, marami tayo. Tandaan mo 'yan. Marami tayong 'di makakapasa!" Sinampal ko naman siya kaagad sa kanyang kanang braso. "Huy ikaw talagang Carrie ka ha?! alam mo bang importante ang pag-aaral? 'Di kasi katulad sayo pag-ibig kaagad ang inaatupag! 'yan tuloy parating broken hearted.haha! Diyan ka na nga, si Avah nalang kausapin ko. May sense pa. che! langya ka." Taray ko namang sabi sa kanya. Kasi ba naman sinong matatawa sa grades na nakuha kong 20/50 ? sige nga sabihin nyo na sakin.Tss

"Okay class, please settle down now. Alam kong maraming bagsak sa inyong exams ngayon grading na 'to. Pero huwag kayong mag-alala kasi marami pa 'din naman kayong mga quizes at mga activities na matataas eh, Kaya huwag kayong mag-alala okay? Just do your best and study hard. So, this is all for today, You are now dismissed." Announce sa amin ni Miss Gomez, napalakas naman ang loob ko sa mga narinig ko kay miss. hay sana nga at makapasa ako. Nag-aya na sina Carrie at Avah na bumaba na s 1st floor para kumain ng lunch. 'Di na ako umuwi sa bahay kasi baka tanungin ako ni papa kong kamusta results ng exam ko, eh ano namang isasagot ko? Bagsak? ganun? ayo'ko nga!

Pumila na kami sa canteen ng may biglang nang gulat sa akin. "Ay leche ka!" Napasigaw ako at nakuha ko lahat ng atensyon sa canteen. N-a-k-a-k-a-h-i-y-a! Tinawanan naman ako ng mga ever supportive kong friends. Akalain mo yun? ako na nga 'tong nabiktima, ako pa ang pinagtawanan?! leche talaga oh. "Sige lang! pagtawan niyo lang ako ha?! Karma is a bitch right? Kaya mag hintay kayo!" Sabi ko sabay belat sa kanila. Kinuha ko na ang pagkain ko at umupo sa isang bakanteng table, sumunod naman sila sa akin. Di man lang nahiya. Tss

Hindi rin naman kami nag tagal sa canteen, Dumiritso nalang kami sa mga bench at doon na tumambay buong noon time. Tahimik lang naman kami just like the normal days, maganda na sana mood ko ng biglang sumigaw si Carrie "whaaaa! OMG. finallow na ako ni Kyle! whaaa! I can't breathe! I can't breathe!" Binatukan ko naman ka agad siya. Eh kasi naman ang tahimik na eh pwedi ka na ngang mag meditate eh, tapos bigla ba na mang sumigaw, leche naman oh. "Putek naman Carrie oh. Maha-highblood yata ako sa 'yo eh. Pwedi ba kahit minsan itikom mo naman bibig mo?Langya ka talaga eh." Sagot naman ni Tori sa kanya. Buti nga eh at tumahimik na siya, Ang sarap kaya lagyan ng scotchtape ang bibig ni Carrie haist.

Si Kyle kasi ang childhood crush ni Carrie eh kaya ganun siya maka react ng finallow siya ni Kyle sa IG. Parang ganun lang? Naku! ang babaw pare. Pero hindi ko rin naman siya masisi eh. Pogi naman si Kyle, Talented pa 'yun nga lang eh may girlfriend na. Kaya ang laking sayang niya at maliban 'dun Magaling din siyang mag laro ng soccer kaya nakaka inlove talaga siya. Eh eto namang si Carrie kahit may girlfriend na 'tong ultimate crush niya eh nakikisiksik parin! naku naman talaga oh, maingay na nga sagabal pa.

Pero hinahayaan ko nalang siya mag desisyon kasi nga diba malaki na siya. Kaya alam na niya 'yun.

After 5 mins. ay nag ring narin ang bell at nagsipasukan na kami sa aming mga silid. Nagsi upo na kami at as usual boring yung first period namin, pati narin yung second period at idagdag niyo pa ang third period in short boring ang afternoon classes namin. Except sa last period, alam niyo kong bakit? kasi makikita ko na naman crush ko hahaha! landi mo girl. Eh kasi naman kasi yung anu, yung crush ko 'yun bang alam mo na? yung basta!? Bakit? anu nga ba ang crush? e diba pagha-hanga 'yun sa isang tao? bakit minamalisyahan niyo ha? leche kayo!

The Undiscovered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon