Chapter 1

117 4 7
                                    

Imago's POV

Kasalukuyang nanunuod ako ngayon ng cartoons specifically, Tom and Jerry. Oh I really love this cartoons sino ba naman kasi hindi maiinggit sa kasweetan nila? Ay hindi pala sweet, parati kaya silang nag-aaway pero hindi natin maiiwasang nag kakaayos din sila. Hay, sana ganyan parati ang buhay kahit parating may kaaway, nag kakaayos parin.

*Bzzt *Bzzt

Biglang tumawag si Avah . tss epal naman oh! Ayaw kong naiistorbo eh! Mag aaya na naman to ng shopping. Hay naku.

"Hmm. oh avah? napatawag ka? shopping na naman no?" Anu panga ba? eh shoppaholic to eh. Sabi nya mag titipid daw, Pero gumagastos naman ng sobra.

"Hay  naku Mago ang galing mo talaga! Kaya love kita eh, Ang galing mong manghula! hahaha " sabi nya saken sa pinaka masaya nyang paraan.

"Oo na Avah. Alam ko naman eh. San ba tayo?" sabi ko naman baka kasi mag yaya sa mamahaling mall. Naku! Wala akong pera no.

"You just wait Mago ha? i'll inform Tori,Pring,Lec and Carrie. I'll text you pag tapos na ako mag announce. Byeee!" nako sabi ko na nga ba eh. sige Avah lahat ng barkada ayain mo na! Naku sayang naman at may kulang.

Si Avah talaga ang sosyal sa aming anim. Rich kid, Maputi, Maganda at Matalino. Parang na sa kanya na nga ang lahat eh kulang nalang ay mapangasawa niya si James Reid na "Boyfriend nya daw"  eeew! haha bitter lang. Kasi naman abot langit ang ngiti pag naririnig pangalan ng idol nya eh. Kulang na nga lang na puntahan niya sa Maynila at mag pakasal.

Si Tori naman ang pinaka bunso sa amin, Naku pag nakita nyo yun hah! magugulat kayo! haha siya yung pag nagtatawanan na, Madadala ka talaga sa tawa nya .Napaka, ay basta ewan ko matatawa nalang talaga kayo sa kanya. Siya rin ang pinaka maganda , Hay nako naiingit na nga ako eh. haha tanga lang no?  Kathniel fan din siya kagaya ko pero hindi naman kami nag-aagawan eh kasi naniniwala kami sa qoutation na "sharing is caring". Buti na nga lang hindi kami mag kaaway ni Avah eh kasi nga diba JaDine sya?! edi mag kaaway. Tss

Eto namang si Pring ang pinaka mahinhin sa barkada. Ewan ko nga kong anung pinag hilian sa kanya ng nanay nya kong bakit ganyan siya eh. Pero kahit sobrang hinhin nya, masarap pa din naman siyang kasama. Parati nga naming hinihiram yung phone niya at doon nag se-selfie, kasi naman Iphone ba naman yung phone. O edi pag nag picture, wala ng edit edit, post na kaagad. hahaha! Maliban sa madaming pera si Pring, Directioner siya at gusto niyang maging blogger, kaya nga sinusuportahan ko siya. Go Pring! haha!

*Bzzt *Bzzt

Tumawag na si Avah at sabi niya na sa Ayala nalang daw kami mag lu-lunch. Treat naman daw niya eh kaya hindi na ako nag dalawang isip pa. Sabi niya kasi mang lilibre siya dahil last day of sem-break na namin ngayon, Kaya susulitin nalng daw namin. Nagkita kami sa isang restaurant sa Ayala. At ayun na nga, Nagkagulo na ang lugar ng dahil sa maingay na bunganga ni Carrie. Bigla ba namang Tumawa ng malakas ng makita niya ang lalaking na slide sa may gilid ng restaurant! haha! walang hiya talagang Carrie to 'oh, Hindi man lang marunong manahimik sa nakita. hay naku!

Si Carrie ang pinaka maingay sa aming lahat. Bukod sa malaki niyang katawan, malaki din ang bunganga niya. Hindi ko nga alam kong kailan siya mananahimik eh, parati siyang nag-iingay kahit na nasa public places kami. Pero hindi naman ako nanghi-hinayang kong malaki bunganga niya kasi siya ang nag sisimula ng ingay kapag tahimik ang lahat. At sa maniwala kayo o sa hindi, maganda talaga si Carrie. May boyfriend na nga 'yun eh, swerte niya. Pero kahit ganyan siya, maaasahan din naman siyang kaibigan 'yon bang kahit hindi mo siya kausapin, malalaman at malalaman niya 'ding may problema ka.

"Huy, Mago! tulala ka na naman diyan! sino ba iniisip mo ha?" sabi sa akin ni Lec . Kasi ba naman na tulala ako kay Carrie eh, tinitignan ko sila ni Torie habang nag-uusap, ngayon ko lang na realize na maingay din pala si Torie. "ah, kasi ang ingay nilang dalawa eh! 'yan tuloy natulala ko. Haha!" sagot ko naman kay Lec. Bigla namang tumayo si Pring para mag cr at nag hanap nanaman ng kasama. As usual, ganyan talaga si Pring mag hahanap pa muna 'yan ng kasama bago mag cr.
"Lec, samahan mo naman akong mag cr oh." pakiusap niya kay Lec. "huy ikaw Pring ha?! Anung akala mo sa cr nila, may multo? haha!" sulpot ko naman sa kanila habang nakatawa. Pero tumango naman kaagad si Lec at sinamahan si Pring sa pag c-cr.

The Undiscovered LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon