Patawad, Paalam

1 0 0
                                    

Nakatulong ba nu'ng lumayo ako?
'Di ba 'yon naman ang 'yong ginusto?
Simula pa no'n, kahit hanggang ngayon
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo

Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo (kinailangang lumayo)
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad
Paalam
Kahit nasa'n ka man

Nariyan pa ba ang pinangarap ko
Na aking tinalikuran para mabuo?
Bakit gano'n, kahit sa'n lumingon?
Lahat ng daan ay pabalik sa'yo

Balang araw ay makikita mong
'Di kailangan lumayo (kinailangang lumayo)
Kung paglisan lang ang paraan
Patawad
Paalam
Kahit nasa'n ka man

Oooh, oooh, oooh

Nahanap nga sarili mo
Nawala naman ako
Masisisi mo pa ba
Kung ako'y susuko na?

Hindi mo man mapakinggan
Ang aking mga dahilan
Matatanggi mo bang
Mahal na mahal kita?

Sa aking paglayag
Tiyak ika'y masasaktan
Hangad ko'y maintindihan
'Di maintindihan

Na sa tamang panahon
Hinding-hindi na iiwan
Kung 'yong pagbibigyang muli
'Di kayang pagbigyan muli
Kahit anong gawin
'Di na mababalik ang dati

Paalam, salamat
Salamat sa lahat

Balang araw ay makikita mo
'Di na sana lumayo ('di ka sana lumayo)
Kung paglisan lang ang dahilan
Sa ating hangganan
Ikaw pa rin sana

My Favorite songs and thier lyricsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon