00

98 12 1
                                    

WARNING!!

This is a work of fiction. Names, characters, places, and events are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to a person, living or dead, actual place, or actual event, is purely coincidential.














----





"Belle!!"





Sinarado ko muna ang bag ko dahil tapos na ang last subject namin, which is Math. Nilibot ko ang tingin ko sa classroom at napangiti ako nang makita ang bestfriend kong si Faith sa may bandang pintuan. Mukhang kanina pa ako hinihintay. Kumakaway pa siya sa akin habang nakangiti.





"Bakit?" Kinuha ko ang bag ko at nagsimulang maglakad palapit sa kanya.





"It's Friday! Tara gala!" Napakunot ang noo ko nang sinabi niya iyon. Mahilig talaga siyang gumala, lalong lalo na 'pag Friday. Gusto kong sumigaw dahil paniguradong mapapagastos nanaman ako niyan. Nawala sa isip ko kung anong araw na dahil sa stress. I'm not liking the 4th year high school life.





"Dali na. Ngayon lang tayo ulit makakagala." Ngumuso pa siya sa akin. She looks like a child.





"Wala ka bang practice?" Naglakad lang kami hanggang sa maabot namin ang gym. Dumiretso kami sa mga lockers dito. May mga sinabi pa siyang hindi ko maintindihan but obviously it's about shopping nanaman. Itong babaeng 'to, walang ginawa kung hindi gastos.





Hinanap ko pa ang pangalan ko at nang makita ko iyon ay binuksan ko ito at nilagay ang mga gamit ko doon. Binuksan ko naman ang gym bag ko sa loob at kinuha ang damit kong pang training.





"So ayon nga, may chika ako sayo.." Tinignan ko siya pagkatapos kong magpalit ng damit. "Kilala mo naman 'yung D-Boys diba? Sikat sila na band ngayon."





"Hindi." I plainly said. Hindi ako masyadong updated sa mga ganyan kasi I always focus on my studies. Lalo na ngayong year, malapit na kaming mag senior high. And I'm sure mas nakakastress iyon dahil baka ang kunin kong strand ay STEM. Pero nakikinig naman ako sa mga kanta, puro OPM nga lang.





"What? Pati ba naman 'yan hindi mo alam?" Hindi ko nalang siya pinansin at sinarado ang locker ko. I'm pretty sure she knew why I didn't know about them. Bitbit ko na rin ngayon ang gym bag ko habang hawak-hawak ang aking water jug. Naramdaman ko namang sumunod si Faith sa akin.





"Okay sige, oo na hindi mo sila kilala dahil busy ka sa pag-aaral. Pero please pwede mo ba akong samahan sa concert nila?" I stopped walking. Kaagad akong napatingin sa kanya at kumunot ang noo ko.





"Bakit kailangan ako?"





"Papayagan lang ako ni Mommy kapag may kasama ako e. Kung ikaw kasama ko edi mas papayag siya na pumunta ako." Kinuha niya ang gym bag ko mula sa balikat ko at nilapag sa bench. "Andiyan na coach mo, baka ma-late ka pa." I was about to talk back to her pero huli na nang makaalis na siya sa harapan ko.





"Hay nako, Hazel Faith." I whispered while walking to our assigned covered court.





After doing some excercises, our coach finally ended our training for the day kaya dumeretso ulit ako sa locker room, tired from the drills our coach made us do. Nagpunas muna ako ng katawan at nagpalit ng damit.





Nang makalabas ako sa locker room, nakita ko kaagad si Faith na naka-higa sa sahig ng gym. She was chasing her own breath and looked like she was really tired.





As I FallWhere stories live. Discover now