CHAPTER 4IRITADONG LUMABAS si Christian mula sa kotse niya. Tinawagan kasi siya ni Jared na may emergency na naman. Pero sa mall sila magkikita.
"Istorbo talaga kayong mga kaibigan ko kahit kailan!" Aniya nang makita si Jared kasama sina Paul at August. Mukhang tanga ang mga ito na nagtatago sa mga nakahanger na damit. "Ano ba ang gagawin natin dito na emergency!? Sa mall!? Emergency!?"
"Tumahimik ka nga! Ang ingay mo!" Impit na sigaw ni Jared at hinila siya para magtago din.
Tinabig niya ang kamay nito. "May lakad pa ako, Egorov. Akala ko emergency talaga eh."
Hindi siya pinansin ng tatlo na abala sa pagmasid sa kung saan.
Sinundan niya ang tinitingnan ng mga ito. Nakita niya si Ms. Benecio, sekretarya ni Jared. May kasama itong mukhang tilapyang lalaki.
Nagtatakang binalingan niya si Jared. "You're a stalker now? The fvck man?"
"Shh!" Jared shushed him.
Inirapan niya ito at nagpatuloy sila sa pagsunod kay Ms. Benecio at sa lalaking tilapya.
Hanggang sa sinehan, sumunod sila. Mukhang tinamaan na ng alien virus itong si Jared. Inutusan pa sila na mag-ingay at tapunan ng popcorn ang lalaki na kasama ni Ms. Benecio.
Doon niya inilabas ang stress niya kaya siya ang panay tapon ng popcorn.
At habang nasa sinehan, nagtext siya kay Shynne. Alam na niya ang number nito sa tulong ni Jiro.
To: Milktea Sungit
'Kamusta na ang pakiramdam mo? Okay ka na ba?'
Hindi ito nagreply kaagad. Well, malamang busy 'yon sa shop. Paniguradong maraming costumer d'on ngayon. Siyempre, siya ang may pakana n'on. Ayaw kasi ni Shynne na tulungan niya ito, lagi nitong sinasabi na dagdag daw iyon sa utang nito sa kanya. Kaya ito lang ang naisip niyang paraan.
May mga inutusan siyang mga tao na bumili ng maraming milktea at cakes at ibinigay iyon sa mga street children.
Noong unang inubos niya ang paninda ni Shynne, ibinigay niya iyon sa isang orphanage.
Ilang minuto na siyang naghihintay ng reply nang maalalang hindi pala siya nakapagpakilala sa dalaga.
Akmang iti-text ulit niya ang dalaga nang mag-reply ito.
From: Milktea Sungit
'Sino kang tangina ka at saan mo nakuha ang number ko?'
Napangiti siya. Malutong na mura na naman.
To: Milktea Sungit
'Boyfriend mo 'to.'
Mabilis itong nag-reply.
From: Milktea Sungit
'Pota ka maghanap ka ng ibang kausap.'
Nagsalubong ang kilay niya. Mukhang hindi siya nito nakilala o hindi ito naniwala sa kanya.
To: Milktea Sungit
BINABASA MO ANG
Branded Series Book 4: Shynne (Soon)
RomanceSPG WARNING/R-18 Being rumored as gay is unpleasant for Christian. Especially that he also felt uninterested with women. Then she came and rocked his world.