CHAPTER 6

8K 219 128
                                    


CHAPTER 6
🍸🥂🍹

"YES, BUD." Sagot ni Christian kay Thunder na kausap niya sa cellphone. Kinausap niya ito tungkol sa problema ni Shynne sa ex nito. "That dimwit will pay for what he did."

Tumawa si Thunder. "Sino ba 'yan?"

Sumandal siya sa backrest ng swivel chair niya habang pinaiikot sa mga daliri niya ang hawak niyang fountain pen. "Someone who did shít on my girl."

Naubo ang nasa kabilang linya. "So, totoong may girlfriend ka nga?"

Nagsalubong ang kilay niya. "Sino nagsabi sa'yo niyan?"

"Si Lorenz." Mahina itong natawa. "Kinuwento daw sa kanya ni Keifer na na-mention daw ni Jiro na may babae kang pinahanap. Saka na-kwento din ni Paul."

He rolled his eyes. Mga chismoso. Tsk.

"Sige na." Aniya sa kaibigan.

Thunder chuckled. "Call me when you need my presence. May hearing pa ako."

"Thanks, bud." Agad niyang ibinaba ang tawag at nag-dial ulit.

"Pinagtaguan ka ba ni Ms. Gonzales?" Bungad sa kanya ni Jiro.

"Nope." Tumuwid siya ng upo. "May paiimbestigahan ako sa'yo."

Bumuntong-hininga si Jiro. "I'm not an FBI. Kung may mga paiimbestigahan kayo, call Reeno."

"I just need information. At mas mabilis kang kumuha n'on."

"Fine. Sino ba 'yan."

He grinned. "Jed Magtalaw."

Tumawa ang kaibigan niya. "Weird surname." Saglit itong natahimik. "On it. I'll send it to your email."

"Thanks, bud."

"May bayad na 'to." Mabilis na sagot ng kaibigan niya. "Pagkakakitaan ko na 'tong ginagawa niyo sa'kin."

That made him laugh. "Magkano ba?"

"Hmm.." Nag-isip talaga ang kaibigan niya. "May mga kaibigan pa bang single si Ms. Gonzales?"

He furrowed his eyebrows. "I don't know. Bakit?"

"Ihanap mo naman ako ng girlfriend." Sagot nito habang naririnig niyang busy ito sa pagtipa ng keyboard.

"You're engaged. Abnormal ka ba?" Alam kasi nilang magkakaibigan na nakatakda itong ipakasal. Arranged marriage. Japanese thingy what-so-ever o trip lang talaga ng mga magulang nito.

Bumuntong- hininga ito. "Ayoko sa babaeng 'yon."

"Why?" Pag-usisa niya.

"Hindi ko siya kilala."

"Then gather some information about her. Diyan ka magaling."

"Hindi ako interesado sa kanya. All I know is that she's a chef and she owns a restaurant."

He smiled. Nagbibinata na ang Hapon niyang kaibigan. "Hindi interesado pero ini-stalk na din naman."

Branded Series Book 4: Shynne (Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon