CHAPTER 20

28 1 0
                                    

Panay ang kwento ni Cindy habang nasa loob kami ng sasakyan ni Lavander. Hindi parin talaga siya nagbabago. Magsasalita na sana siya ng maunahan siya ni Lavander.

"Nasaan ka ba nitong mga nakaraang mga araw? Hindi ka man lang tumawag." Ramdam niya ang pagtatampo sa boses nito. Napaiwas naman siya ng tingin. Pero agad din yung nalipat kay Cindy ng sikuhin siya nito.

"Anong sasabihin ko?" bulong niya kay Cindy. Pasimple naman itong bumulong sa kanya.

"Sabihin mo nalang naghanap ka ng trabaho. Bahala kana sa iba." Nakangiting sabi nito. Nagawa pa talaga niyang ngumiti? Samantalang siya ay pinagpapawisan na ng malamig dito.

"May tinatago ba kayo sakin?" Ramdam niya ang lamig sa boses nito. Huminga siya ng malalim saka tamad itong tiningnan. Kailagan niyang maging kalmado.

"Abala lang ako sa paghahanap ng trabaho. Ayun, awa ng diyos nakahanap ako kaya hindi ko na kayo nakontak." kalmadong sabi niya. Sorry, kailangan niya ulit magsinungaling. Napalingon naman siya kay Cindy ng marinig niya itong humagikhik sa sulok.

"Anong trabaho naman.?" tanong nito.

"Ano, waitress sa club ng tita ni Cindy." nanlaki naman ang mata ng bruha. Napaayos pa ito ng upo.

"Talaga ba? bakit wala namang nasabi sakin si tita?" Kung hindi lang siya kinakabahan ngayon nabatukan na niya ito. Aba! napakagaling umarte! Magsasalita na sana siya ng biglang magpreno si Lavander. Napasubsub tuloy kaming dalawa ni Cindy sa harapan.

"May balak ka bang patayin kami?!" sigaw ni Cindy. Hindi niya ito pinansin bagkus ay agad niyang nilapitan si Lavander sa harapan.

"Ayos ka lang ba? may masakit ba sayo?" sunod sunod niyang tanong dito. Nakita niya ang paggalaw ng panga nito. Galit si Lavander? ilang sandali pa ay nilingon siya nito.

"Bakit doon mo naisipang magtrabaho? madaming lalaki dun!" Napaatras siya sa pagsigaw nito.

"A-ano bang problema mo?" Kinakabahan niyang tanong.

"Sa dami ng trabaho bakit doon pa?!" Galit na galit talaga siya. Napayuko nalang siya dahil wala naman siyang maidahilan dito. Marami na siyang nasabing kasinungalingan at ayaw na niyang madagdagan pa yun.

"Kung matutuloy pa tayo tara na. Kung hindi iuwi mo nalang ako." Sabi niya saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi ito nagsalita basta naramdaman nalang niya ang pagusad ng sasakyan.

"Sunday" Dahan dahan naman niyang minulat ang mga mata. Nakatulog pala siya.

"Nasaan tayo?" Tanong niya. Bakit puro puno? mabilis siyang umayos ng upo.

"Relax ka lang. Nasa tagaytay tayo. Mukhang pinaghandaan talaga ni Lavander." Nakangising sabi niya. Bigla tuloy siyang naguilty. Nang makalabas na sila ng sasakyan ay natanawan nila si Lavander na may kausap. Sumunod naman sila dito.

"Gising kana pala. Manang, pakihatid sila sa kwarto nila." Sabi nito. Maglalakad na sana siya ng magsalita si Lavander sa gilid niya.

"Susunod ako." sabi nito. Tipid siyang ngumiti saka tumango. Nang makapasok na siya sa kwarto ay hindi niya maiwasang mamangha. Sobrang linis ng lugar. Naglakad siya papunta sa veranda at sinalubong siya ng sariwang hangin. Hayy, ang tagal na simula ng maramdaman niya ang bagay na to. Nagulat siya ng may yumakap sa bewang niya. Kahit hindi niya iyon tingnan ay alam na niya kung sino iyon. Siguro ganun talaga kapag kilala mo na ng matagal ang isang tao. Hindi niya pala nailock ang pinto.

"Anong iniisip mo?" Tanong nito. Huminga naman siya ng malalim.

"Wala naman." Sabi niya.

No Matter What It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon