CHAPTER 24

25 1 0
                                    

Sabay silang napahiwalay ni Lavander ng may nabasag na kung ano. Agad siyang naglakad para makita kung ano ang nabasag. Vase?

"Mish!" Tawag niya sa kapatid. Baka kasi ito ang nakasagi at tumakbo lang dahil nakita nito ang ginawa nila.

"Mish! Nasaan ka ba?!" Sigaw niya ulit. Nakita naman niya itong tumatakbo pababa ng hagdan.

"Bakit Ate? May nangyari ba?" Kunot noong tanong nito.

"Oo. Bakit mo naman sinagi yung vase?" Sabi niya. Nagtatakang tiningnan siya nito.

"Anong sinasabi mo Ate? Hindi naman ako pumunta ng kusina." Sabi nito. Siya naman ngayon ang nagtaka.

"Kung hindi ikaw ang nakabasag sino?" Tanong niya.

"Hindi mo ba nakita si Kuya Jiroh?" Nanlaki ang mata niya sa gulat. Si Jiroh? Nakita niya?

"S-sigurado ka ba?" Kinakabahan niyang tanong.

"Hindi ba kayo nagkita? Galing kasi ako kanina sa labas. Tapos nakita ko siyang nakatayo sa gate. Sabi ko pumasok nalang siya kasi may pupuntahan ako." Nang narinig niya yun ay napakapit nalang siya sa sofa. Nakita nito. Anong gagawin niya ngayon?

"Sunday? Ayos kalang ba? Namumutla ka." Nagaalalang tanong ni Lavander.

"Ah, napagod lang siguro ako." Dahilan niya. Pero ang totoo ay nanghihina ang mga tuhod niya. Napapikit siya ng maalala ang mga pinagusapan nila kahapon. Kung gaano ito kadisidido na paibigin siya ulit. Pero wala na siyang magagawa dahil buo na ang disisyon niya. Hindi na niya kayang bawiin. Napapitlag pa siya ng maramdaman ang kamay ni Lavander sa bewang niya para alalayan siya.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo. Ako na ang bahala dito." Sabi niya. Hindi na siya nagrekalamo dahil tila nawalan siya ng lakas. Nang makarating siya sa silid ay nahiga siya sa maliit niyang kama. Naalala niya ang phone niya kaya mabilis siyang tumayo at kinuha iyon. Gamit ang nanginginig na kamay ay dinial niya ang numero nito. Nakakatatlong ring na pero hindi parin nito iyon sinasagot. Akmang papatayin na niya iyon ng magsalita ito sa kabilang linya.

"J-jiroh" kinakabahan niyang tawag dito. Narinig naman nya itong huminga ng malalim.

"Galing ako sa bahay niyo." Napapikit naman siya sa sinabi nito.

"Ang saya ko eh. Halos ipagtulakan ko na nga si Mama na lumakad mag-isa para lang puntahan ka. Gusto kasi kitang surprisahin. Kaso, ako ata ang  nasorpresa." Halata sa boses nito ang hinanakit. Ilang ulit siyang huminga ng malalim dahil sumisikip ang dibdib niya.

"Jiroh, hindi ko alam. Im sorry." Naluluhang sabi niya.

"Ayan ka na naman sa sorry mo. Sabihin mo nga sakin, laro lang ba sayo ang lahat ng ito? Laro lang ba para sayo ang nararamdaman ko?" Sunod sunod naman siyang umiling na para bang nasa harapan niya ito.

"Jiroh, hindi sa ganun. Hindi mo kasi ako naiintindihan." Umiiyak na sabi niya.

"Pwes, ipaintindi mo! Sunday hindi lang ikaw ang nahihirapan dito, hindi lang ikaw ang nasasaktan dito pati ako!" Napapikit nalang siya dahil ramdam na ramdam talaga niya ang galit nito.

"J-jiroh please, wag ka namang ganyan sakin." Pagmamakaawa niya. Narinig naman niya itong huminga ng malalim.

"Sunday, pinaglalaruan mo lang ba ako?" Nanghihinang sabi nito. Umiling na naman siya.

"Hindi. Hindi totoo yan." Sabi niya habang humihikbi.

"O baka naman pinaparusahan. Bakit? Kulang pa ba? Hindi pa ba sapat tong pananakit na ginagawa mo? Para mo narin akong pinatay, alam mo ba kung gaano mo ako dinurog ng makita ko kayo kanina? Hindi mo alam kung gaano ako nagpigil na suntukin ang lalaking yun!" Tuluyan na siyang napahikbi.

No Matter What It TakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon