"HAHAHA LATE KANA!" Tumawa ang baliw sa harap ng mukha ng babae, "LATE KANA HAHAHAHA!"
Biglang napalitan ang boses ng baliw na ipinagtaka ng babae sobrang sakit man ang nararamdaman nito sa kanyang dibdib ay di nya maiwas ang magtaka sa nangyayari."Hoy bakla ano ba?? Baka malate kana sa duty mo!"
"Bes?"
---------------
Nanlabo at dumilim saglit ang paningin ng babae ngunit pag dilat ng mata ng nito ay isang pamilyar na mukha ang kanyang naaaninag at unti unti itong luminaw.
(JOEPHINE's POV)
"Frencel?" Unti unting narehistro sa akin ang mukha ng aking kaibigan.
"Ano bes hindi kaba papasok sa duty mo ngayon?"tanong nito saakin habang nag susuklay.
"Ahhhhhg!"pag hikab ko kasabay ang pag unat ng mga kamay ko.
"Wala akong duty ngayon bes." Matamlay kong sabi."Girl ano ba wag ka ng malungkot dyan, wag mo na masyadong isipin yung nangyari diba pinag resign na yung bida bida na yun" tukoy nito sa isang katrabaho namin.
Pareho kaming nagwowork bilang isang service crew sa isang restaurant magkaiba lang kami ng schedule dahil sya ay nag aaral pa sa isang university dito samin samantalang ako naman ay graduate na sa kursong hrm. Pinili ko munang mag stay sa work ko na to upang makapag ipon para sa mga requirements na aasikasuhin ko pag mag aaply na ko sa iba.
"Wala naman na sakin un bes, kaso lang...." pagdadahilan ko sa kanya na agad naman nyang pinutol.
"Girl! andito lang ako wag kana masyadong mag isip baka atakihin ka nanaman ng depression mo. Huh! Basta tapos na lahat yun nangyari na ang nangyari so you need to do is to move forward at wag kana mag stay sa mga bagay na tapos na o nangyarin na baka ma'stuck' ka lang at di kana makaalis."
pangangaral nito sakin
"Sige na aalis na ko at baka malate na naman ako sa first class ko. Bye love you bes." Dugtong nito sabay beso sakin at nagmadali na itong umalis.Sinimulan ko naman ng mag ligpit ng hinigaan at tsaka naghanda ng makakain at naligo,balak ko ngayon mag mall tutal wala naman akong gagawin at tsaka para mabawasan na rin mga iniisip kong problema.
Palabas na ako ng dorm ng biglang mag ring ang phone ko.
Si john pala ang tumatawag,1yr 2months na kami ni john at masasabi kong okay naman ang relasyon namin kahit madalang kami ngayon magkita at mag usap dahil sa busy nya sa trobaho nya.-'hello joe' Bungad nito sakin pag kasagot ko ng phone.
"Hi beb miss you!, bakit ka pala na patawag?"
-'may sasabihin ako sayo.lets meet sa coffee project 2pm friday, please pumunta ka.'
walang ka emotion-emotion ang mga pagbigkas nya kaya nalito ako at napuno ng tanong ang isip ko, alam kong may mali o mayroon hindi magandang mangyayari ngunit hindi ko muna ito binigyan ng pansin dahil sa sabado (march 23) na ang 15th monthsary namin."Ahh sige mukang importante sasabihin mo beb. May problema ka ba ngayon?"
-'no, nothing. Sorry i have to go see you nalang sa friday..'
Balak ko sanang mag paalam sa kanya ngunit bigla nalang na end ang call sanay naman na ko dahil alam kong busy sya at laging nagmamadali."Hay! Wag ka na masyadong mag isip ng kung ano ano jan joephine baka may surprise sya nagagawin pambawi nya sayo dahil busy sya lagi." Pagpapakalma ko sa sarili ko, hindi naman ako umaasa sa bagay na yun dahil maaaring mas masaktan ako pag hindi iyon ang nangyari. Imbis na mag isip pa ko minabuti ko nalang na pumunta sa mall at mag liwaliw upang mabawasan ang aking stress sakto naman dahil kakasahod ko lang kahapon.