'Tuut tuut tuu📱🔊'
Nagising ako ng biglang tumunog ang alarm ko."Aghhhjj" pag uunat ko.
Lately tong mga panaginip ko lagi nalang nakakatakot.2pm ang duty ko sa work at 10 am palang. Thursday na pala ngayon pero parang nanlulumo na ko't kinakabahan dahil bukas na kami magkikita ni john.
Wala namang masyadong special na nangyari sakin noong mga nakaraang araw, bukod sa nangyari sakin sa mall noong na meet ko sila Dhain at ang Boyfriend nyang si Kyle at ang kapatid ni Kyle na si Kaysee.
.
.
《FLASHBACK》Mayroong pumatak na luha sa mata ng babae ng banggitin nito ng buo ang pangalan ko.
"Ahmm miss ok ka lang ba?" Tanong ko na may pag aalala
Parang natauhan naman ito ng magsalita ako at tsaka pinunasan ang kanyang mga luha.
"Nagkakilala naba tayo nuon? Hindi kase ako palatandain sa mukha ng tao at pangalan lalo na pag matagal ko nang di nakikita. Like mga 3yrs ago pa."
Dugtong ko nang makita kong mukhang ok na sya."Ahmm sorry kung naluha ako siguro dahil sa suot kong lens sa mata. Nameet na kita before kase,di ko narin tanda kung saan."
Ngiti naman nito sakin.Mmm. Kaasar bakit kase hirap sakin tandaan ung mga mukha ng mga nakikilala ko, lalo na pag once ko lang na meet.
"Ok lang yun. Pasensya na Dhain di talaga ako magaling magtanda ng ibang tao.""Hindi ok lang Joe. Parang ganyan din ung sinabi mo sakin una tayong nag meet hahaha."
"Ahh sige hehe Dhain right? Ma una na ko sa inyo hinahabol ko kase ung time sa papanuorin kong movie sa cinema.bye" madali akong nagpaalam sakanila dahil sa movie papanuorin ko.
"Bye! Joe ingat ka lagi. Always think twice or more before you make a decision, wag padadala sa emotion. "
Pagsigaw nitong sabi dahil medyo nakalayo na ko sa kanila. Nagtataka man ako kung anong pinanghuhugutan at nasabi nya iyon sakin ay isinawalang bahala ko nalang ito at nanuood na ng movie.
《End of Flash back》
.
.
After ng tagpo na yun hindi ko naman na sila nakita. Pagkatapos ko manuod ng movie ay dumiretso na akong umuwi at kinabukas ng araw na yon ay nasaloob lang ako ng bahay, wala naman masyadong nangyari dahil natulog at pahinga lang ako buong araw sinulit ko ang aking two days off sa work.Ngayon naman ay kaylang ko ng kumayod ulit sa trabaho.
Ang duty ko ngayon ay sa counter area. Sa isang restaurant ako nagwowork, maayos at malinis ang lugar dito marami din kumakain at nag meeting ditong mga businessman kaya malaki laki din ang kitaan dito lalo na ang mga tip na binibigay.
"Joe ito pala ung order ng table 3. Pagawan na ng resibo mukhang may ka meet lang ihh hindi un mag tatagal"
"Ahh ganun ba ohh sige sige."
"Ang tamlay mo ata ngayon. Iniisip mo parin ba si Grace? Wag kana mag alala na check na ung secret cctv sa locker natin at sya ang maykasalanan talaga. Buti nalang at nakita ng isang customer natin na inaabot nya lahat ng nanakaw nya nagamit sa isang lalaki."
Sabi ni France na isa sa mga nag oodertake sa customer."Ok naman na sakin un Ef(tawag ko sa kanya) may iniisip lang akong personal. Pero matanong ko lang sino pala ung sinasabing babae na nakakita kay grace?"
"Actually hindi rin namin alam kase private daw un. Kahit si grace di nya alam noh. Baka mamaya pa abangan nya un sa tropa nyang mga mag nanakaw"
Sabi nito.
"Sige na mag iikot pako baka mayron mga mag additional orders. Ung resibo ng table 3 ahh." Paalam nito at tuluyan ng umalis.
