"TOPAK"

59 6 2
                                    

[ O N E  S H O T  S T O R Y ]

"Hoy!" chat sa'kin ng girlfriend ko. What the fudge?! Tinawag niya akong 'hoy'. Itong babaeng 'to talaga oh.

"Why baby?" Siyempre lambing lambing muna kahit walang kasalanan.

"Anong ginagawa mo? Nasan ka ha?!" Tanong niya. Nasa bahay lang naman ako. Ano na naman kayang kinagagalit niya?

"House po." Reply ko. 'Di ko alam kung bakit siya nagagalit sa'kin. Kanina lang okay kami, kanina lang ang sweet pa namin.

"Ahh." Napataas ang kilay ko sa reply niya. Hays. Tinotopak na naman ang bb ko.

"I love you, baby."

"Sarado." Reply niya. Nababaliw na naman aish.

"I love you baby," ganyan 'yan. Kapag tinotopak dapat nilalambing.

"Nasan yung heart? Bakit wala?! 'Di mo na ako lab 'no?" Demand niya.

Aigo. Heart lang pinoproblema niya pa, tss.

"I love you baby with a big big 💚"

"Ba't ang liit?"

"Panong maliit?"

"Sabi mo 'big big 💚' tapos magka height lang naman sila nung letters huhuhu tapos green pa, kailan pa naging green 'yang heart mo?"

Whoo! Lahat na lang napapansin. Lahat na lang big deal sa kanya. Pero kahit na ganun, mahal ko pa din siya.

"Bb, yung height mo 'yong maliit hindi 'yong heart ko hahaha" reply ko. Naghintay ako ng reply niya pero 5 minutes na wala pa din. Sineen niya naman pero bakit 'di siya nag reply?

"Bb."
"Babyyyyyyy!"
"I love youuu babyyy!"
"Baby mag reply ka please." Flinood messages ko siya pero seen lang.

"Joke lang naman 'yon eh. I love you so much baby. Kahit pandak ka, mahal kita. Kahit lagi kang may topak di kita iiwan. Alam kong sa'yo lang ako sasaya. Kahit na hindi na ka na masaya sa'kin, ibabalik ko 'yong dating saya nung nakilala mo'ko. Gagawin ko lahat para 'di tayo maghiwalay. Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang nag-iisang binibini ng ginoo mo."

"Araw-araw kitang pinagdadasal, ang family mo, ang relationship natin. Pinagdadasal ko din na sana tayo na hangang dulo. Ikaw na 'yong papakasalan ko at makakasama ko habang buhay."

Sineen niya at nagulat ako ng mag send siya ng picture niya. Ang laki ng ngiti niya sa picture and my heart also smile. Idk pero ang sarap sa feeling na napapangiti ko siya, kahit sa mga simpleng bagay lang. It feels like heaven pre!

One-shot stories ☑️Where stories live. Discover now