Sa wakas! Lunch break na din! Ang mamahal naman ng kanin! 100 pesos.
Dibale. Kaya pa naman tiisin ng tyan ko. Ngalibot libot muna ako sa cafeteria. Baka sakaling may murang pagkain akong makita
Oyy! Mukhang masarap yun ah! Chocolate cake!
"Ate!" Tawag ko sa tindera. "Yes?" Sabi nya. "Magkano po yung chocolate cake?" Tanong ko. "50 pesos" sabi nya.
Hmmm...9 pesos sa dyip. 7 pesos sa tricycle. 100 pesos pang grocery ko mamaya. 80 pesos para sa projects and assignments. May matitira pa akong 450 pesos. Keri naman
"Sige ate. Pabili ako" sabi ko. "Teka lang ah" sabi ko at kinuha ang wallet ko. Puro barya pala pera ko
"1..2..3.." bilang ko. "Isang chocolate cake please" sabi ng isang lalaki. Napatingin ako sa kanya.
"Teka! Akin yan! Ako nauna bumili nyan sayo!" Sabi ko. "May pangalan ba? Saan? Tsaka hindi mo pa naman nababayaran" sabi nya
"Napaka yabang mo naman! Ayan na nga lang yung murang pagkain na nakita ko aagawin mo pa. Mukhang mayaman ka naman bumili ka na lang ng iba" sabi ko
"Eh eto ang gusto ko" sabi nya. "Nananadya ka ba? Dibale. Hindi na lang ako kakain!" Sabi ko
"Here" biglang sabi nya. "Don't be too angry. Im just testing your temper. Binili ko talaga yan para sayo" sabi nya at ibinigay sakin yung chocolate cake sabay kindat sakin at umalis
Naiwan akong tulala. Kung ano ano tuloy nasabi ko sa kanya. Pinalo ko ang bibig ko. Masyado naman kasi tong bunganga ko!!
°°