Prologue

5 0 0
                                    

Habang ako ay nakikipagkwentuhan sa aking mga kaibigan tinawag ako ni Marco.

"Hala Josephine! Tawag ka ng crush mo.", sabi ni Ainah.

"Puntahan mo na dali!", sabi ni Andy.

Habang papalapit ako kay Marco ay nangangatog ang aking mga tuhod at ang mga kaibigan ko ay kinikilig.

"Bakit?", tanong ko.

"Pwede bang mag-usap tayo sa classroom?", sabi ni Marco.

"Oo naman.", sabi ko.

Kaming dalawa lang ang magkasama sa classroom at the same time ay ninenerbyos ako.

"Sorry Josephine, ayoko sanang masaktan ang feelings mo kaya gusto ko nang sabihin nang maaga to sa'yo.", sabi ni Marco.

"Huwag kang mag-sorry kasi wala ka namang kasalanan. It's okay. No need to worry.", sabi ko.

"Ayoko lang kasi na masaktan ka pa. Huwag mong saktan ang sarili mo ah. Huwag ka sanang magagalit sa friends mo kung magkakagusto sila sa akin."

Hindi na ako makasagot pa nang dahil sa sakit na naramdaman ko. Ibig sabihin may gusto siya sa isa sa mga kaibigan ko. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Hindi ko na nakayanan pa ang sakit kung kaya't lumabas na lamang ako sa classroom.

Sa labas ng classroom ay nandoon ang mga kaibigan ko na palihim na sumunod samin ni Marco at napayakap ako sa kanila.

"Anong nangyari Josephine? Bakit ka umiiyak?", tanong ni Andy.

"Hindi daw niya ako gusto. Tapos sabi niya may gusto daw siya sa isa nating mga kaibigan.", sabi ko.

"Sinabi niya sa'yo yun nang harapan?", sabi ni Janelle.

"Oo. Sa totoo lang gustong-gusto ko nang sumuko.", sabi ko.

"Susuko ka na? Ayaw mo na ba talaga?", sabi ni Maybeline.

"Naguguluhan pa ako eh.", sabi ko.

"Josephine, kung hindi pa kaya ng feelings mo, huwag muna. Kasi mahihirapan ka lang.", sabi ni Maybeline.

"Tsaka hindi lang siya ang lalake sa mundo. Ang dami-dami pang mas gwapo sa kaniya.", sabi ni Eileen.

"Tama!", sabi ni Ainah.

Pagka-uwi ko sa bahay, agad akong pumasok sa kwarto ko at nahiga sa kama at umiyak nang umiyak hanggang sa makatulog ako. Pagka-gising ko ay may chat sa akin si Maybeline.

"Josephine?", sabi ni Maybeline.

"Bakit?", sabi ko.

"Sorry Josephine."

"Huh? Bakit ka nagso-sorry?"

"Sorry Josephine kung hindi ko to masabi nang harapan."

"Huh? Ano ba ang pinagsasabi mo?"

"Naging magka-MU kami ni Marco. Sorry kung ngayon ko lang nasabi."

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

"Dahil naghahanap ako ng tamang pagkakataon."

"Sa tingin mo ba tamang pagkakataon to?!"

"Sorry talaga. Ngayon ko lang nasabi dahil hindi na kinaya ng konsensiya ko."

"Alam mo kung gaano karami ang luhang sinayang ko sa kaniya! Hindi kita mapapatawad!"

"Tatanggapin ko ang desisyon mo. Pero sana maintindihan mo ang kalagayan ko bilang isang kaibigan mo."

Nagchat din sa akin si Eileen at nalaman na din niya ang nangyari samin ni Maybeline.

"Okay ka na?", sabi ni Eileen.

"Hindi pa.", sabi ko.

"Ay bakit? Masakit pa rin?"

"Oo. Sobra."

"Gusto mo resbakin natin? Iparamdam natin sa kaniya."

"I think it's time for a change."

"Oo nga. Pakita mo sa kaniya na your a new person na never be broken. Pamukha mo sa kaniya na he's not the only man. It's really time for a change!"

"Tama ka!!"

"Huwag kang magpakatanga dun. Sabi ko nga sa'yo marami pang iba diyan."

"Siguro kailangan ko munang ipahinga ang sarili ko. Siguro mas mabuti na di muna ako iibig  muli.'

"Tama! Mag move on ka na! At sana mapatawad mo na si Maybeline lalo na malapit na ang moving up ceremony."

"Sana nga."











The Man Who Can't  Be MineWhere stories live. Discover now