Chapter 1

8 0 0
                                    

First day of school na ngayon. Finally nasa Senior High na ako malapit na akong mag college. Habang hindi pa tumutunog ang bell ay tumambay muna ako sa canteen tapos may tumakip sa aking mga mata.
"Eileen alam kong ikaw yan. Sa pabango mo palang huling-huli na kita.", sabi ko.
"Ano ba yan! Paano kaya kita maiisahan?", sabi ni Eileen.
"Hahaha! Basta huwag mo nang alamin. Anong strand mo?"
"STEM section B."
"Sa STEM din ako pero hindi tayo magka-klase."
"Ano ba ang section mo?"
"Section C."
"Okay lang yan. Magkatabi naman ang classroom natin eh."
"Sabagay. Pero nagkahiwa-hiwalay na tayo no? Sina Ainah at Janelle nag transfer na ng school tapos sina Maybeline at Andy naman dito parin nag-aaral pero nasa ABM sila."
"Ganyan talaga ang buhay. Speaking of friendship, kumusta kayo ni Maybeline?"
"Okay na kami. Nagkabati na kami nung last tuesday."
"Good. Tara na. Pumasok na tayo."

*****

Mas marami akong nakikitang mga transferee students sa classroom kumpara sa mga old students. Nakita ko si Kiana, siya ay naging classmate ko nung grade 9.
"Kiana!", sabi ko.
"Oh! Kumusta ka na?"
"Okay lang. Ikaw?"
"Hahaha!Heto single pa rin."
"Haha! Same here. Gumanda ka lalo."
"Nako maliit na bagay. Haha!"
"Ano ba yan parang ngayon lang ulit kayo nagkita.", sabi ni Marlon. Naging classmate ko siya nung grade 7.

Nagsingupuan na kami nung dumating na ang Adviser namin. Siya si Ma'am Sherlyn Dela Cruz, isa sa mga favorite teacher ko noong ako'y grade 8 student pa lamang.
"Good morning class!"
"Good morning Ma'am!", ang sabi naming lahat.
"Sa mga hindi pa nakakakilala sa akin, I am Sherlyn Dela Cruz and I am your adviser and at the same time I am your teacher in General Mathematics. Paalala lang, you must obey our school policy kung ayaw ninyo ma-expelled. Naiintindihan ba?"
"Opo!"

43 lahat kaming magka-klase. 26 ang mga classmates kong transferee habang kaming mga niluma na ay 17 lang. Sa buong maghapon ay wala kaming ginawa kung di magpakilala at makinig sa mga class policies ng mga teachers namin.

*****


After class ay pumunta ako sa isang store at nakita ko doon ang isa sa mga kaklase ko.
"Hi!", sabi ko.
"Hello po!", sabi naman niya.
"Hindi ba ikaw yung katabi ni Kiana?"
"Ako nga po."
"Ahh.. Huwag ka nang mag po at opo sa akin magka-klase naman tayo eh. Ano nga kasi ulit ang name mo?"
"Nikka David. Nice to meet you."
"Nice to meet you too. Josephine Del Rosario."
"Matagal ka na ba sa St. Paul?"
"Oo since grade 7 pa. Ikaw, saan ka dati nag-aaral?"
"Sa Tarlac State University."
"So taga Tarlac ka talaga?"
"Oo. Nagdo-dorm lang ako. Tapos umuuwi ako sa Tarlac every friday."
Tinignan ko ang relo ko. 4:30 pm na.
"Oh sige. Mauuna na ako. Bye!"
"Bye! Ingat po sa daan!"

The Man Who Can't  Be MineWhere stories live. Discover now