Web 24

175 4 0
                                    

Viral ngayon ang mga nagkalat na slasher videos sa internet, maging sa mga social media ay nagkalat din ito. Tuwang tuwa pa ang mga taong nanonood nito dahil ang buong pag aakala nila ay isa lamang ang mga itong fake videos.

"Ang galing naman ng mga effects parang totoong totoo! " sabi ng isang estudyanteng nanonood sa kanyang phone.

"Oo nga eh, yung mga gumaganap naman ay sobrang galing umarte dinaig pa nila ang mga artista! " wika naman ng kasama niya.

Habang nanonood sila sa kanilang phone ay may isang babaeng dumaan sa kanilang harapan. Marungis itong tignan at gulo gulo ang kanyang buhok. Pero ang pinaka  mapapansin dito ay ang mga putol nitong mga kamay, wala na rin ang kaliwa nitong mata at ang kanang tenga.

Nagsasalita itong mag isa habang naglalakad at bigla itong tumatawa ng walang dahilan na parang isang baliw. May nakasabit sa leeg nito na tila isang karatula na may nakasulat na " Ako ang pinaka walang kwenta at pinaka talunang tao sa buong mundo. " sabi sa nakasulat sa karatula.

"Girl tignan mo yung baliw na dumaan sa harap natin, kamukha niya yung isang character sa huling eksena na Auction! " gulat na sabi ng isang babae.

"Oo nga no.......... Pero baka kamukha niya lang, imposible naman kasi yang sinasabi mo. " sagot naman ng kasama niya.

"Tssss......... Sabagay. " wika ng babae sabay buntong hininga.

********

Kasalukuyang nasa coffee shop ngayon sina James at Aya. Naroon sila ngayon upang makapag relax at huminga ng maluwag matapos ang mga nangyari.

"Anong dahilan mo? Bakit mo binuhay si Veronica? Akala ko ba isasama mo siyang patayin kasama ng mga magulang at kaibigan niya? " sunod sunod na tanong ni Aya.

Napabuntong hininga lang si James at tumingin sa malayo bago sagutin ang kanyang tanong.

" Simple lang...... Sa tingin ko kasi kapag pinatay ko siya ay matatapos na agad ang paghihirap niya, mas gusto ko nalang na nabubuhay nga siya dito sa mundong ibabaw pero mala impyerno naman ang kanyang mga nararanasan, habang buhay na masalimuot ang magiging buhay niya dito sa mundo! " wika ni James na may makahulugang mga ngiti.

"Ibang iba ka na talaga..... Ang layo mo na sa dating James na kilala ko. " pailing iling na sabi ni Aya.

"Matagal ng patay ang James na sinasabi mo....... Ang James na kaharap mo ngayon ay hindi na tulad ng dati na sobrang bait pero sobra ding hina at duwag....... Ikaw ang nagpabago sa akin, simula ng iligtas mo ako sa tuwing napapahamak ang buhay ko, simula noon ay binago ko na ang sarili ko at ipinangako ko ring wala ng kahit sino ang pwedeng lumapastangan sa buong pagkatao ko! " mahabang litanya ni James.

Napatango nalang si Aya sabay tingin sa kawalan.

"Siya nga pala........ May ipagtatapat ako sayo. " seryosong sabi ni Aya.

"Ano yon? " curious na tanong ni James.

Sandaling katahimikan.......

"Hindi talaga Aya ang totoo kong pangalan. " pag amin ni Aya.

"Ha?........ Kung ganon ano ang totoo mong pangalan? At bakit mo itinatago ang totoo mong pagkatao? " nagtatakang tanong ni James.

"Mahabang istorya, kailangan kong gawin yon para makalimutan ko ang masalimuot kong nakaraan dahil kapag tinatawag ako sa totoo kong pangalan ay naaalala ko lang ang lahat. " may lungkot sa mga matang paliwanag ni Aya.

Hindi nalang kumibo si James, rinespeto nalang niya ang mga sinabi nito at hindi na niya ito pinilit sabihin ang buong katotohanan.

"O sige....... Kailangan ko ng umuwi James, paalam na rin dahil ito na ang huli nating pagkikita at mula ngayon ay ituring na nating estranghero ang isa't isa na parang hindi magkakilala upang makalimutan na natin ang mga nangyari. " malungkot na pamamaalam ni Aya.

"Paalam na din Aya....... Maraming salamat sa lahat at sa pagliligtas mo ng buhay ko, hinding hindi kita malilimutan. " pagpapaalam ni James na may lungkot sa mga mata.

Ilang saglit pa ay tumalikod na si Aya upang maglakad paalis hanggang sa tuluyan na siyang maglaho sa mga paningin ni James.





Susunod na ang Epilogue..........

DARK WEBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon