SIMULA

18 2 0
                                    

Papasok na sana ako sa entrance ng school nang may naka-tabig saking empleyado ng Cafeteria. Tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad kaya ako na lang ang pumulot sa gamit kong nahulog. Well, I used to it

Para lang akong hangin na dumadaan sa harap nila. Nasanay na rin naman ako sa ganitong scenario, na walang pumapansin sakin. Wala akong kaibigan, hindi dahil ayoko kundi dahil sila na rin mismo ang umi-iwas sakin. 

May iilan na rin namang sumubok na makipag-kaibigan sakin pero kinalaunan, ay iniwan din ako sa ere. Pero may nag-iisang nilalang na hindi tumitigil sa pangungulit sakin---oh speaking of 

"Hey, trixx!!" masiglang bati niya sakin. Everyone, meet Andrei ang kaisa-isahang natitira sa mga sumubo na makipag-kaibigan sakin. Classmate ko siya since first year. Dati ay mala-nerd pa ang dating niya nung una kaming magka-kilala, pero tignan mo naman ngayon ang laki na nang pinagbago niya. Isa na siya sa mga tini-tilian ng mga babae rito at isa sa mga pinaka-sikat sa campus. Nang makalapit na siya sakin ay inakbayan niya ko. Agad ko namang pinitik ang kamay niya.

"Hey! Akala ko ba friends na tayo?" protesta niya.

"At kailan ko naman yon sinabi aber?" taas-kilay kong tanong. Ang totoo niyan gusto ko naman talaga siyang maging kaibigan pero ayoko din namang ilapit ang sarili ko sa gulo. Masyadong mataas ang posisyon niya para makipag-kaibigan sa tulad ko-- I mean sikat siya at isa lang akong 'no body' . Maraming humahanga sa kanya at marami namang may ayaw sakin. Paniguradong magagalit ang karamihan sa mga 'Fans' niya sa campus  kapag nalamang nakikipag-kaibigan siya sakin. wala namang  mali sakin pero ayoko rin namang magulo ang huling taon ko dito sa school.

Napanguso siya kasabay ng pagbuntong-hininga.

"Sabay na  lang tayong pumasok," iniabot niya sakin ang kamay niya. "please..." nakanguong aniya. Tini-tigan ko muna siya kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"Fine,..but don't come near me baka makuyog ako." natawa naman siya sa sinabi ko. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa open area ng campus na may mahigit limang hakbang ang pagitan.

"Trix, that's too far! parang hindi naman kita kasabay niyan" protesta niya habang papalapit sakin.

"Hoy! wag---" Hindi ko na natapos ng sasabihin ko ng hablutin niya ang kamay ko papalapit sa kanya.

*gulp*gulp*gulp

Ilang beses akong napalunok dahil ang lapit namin sa isa't-isa. Nakatitig lang siya sakin.

"A-andrei--"

'kyaaaaaaah'
'waaaaaaaaah!'
'si andrei yon diba?'
'hala! oo nga, sino yung babae?'
'nakaka-inis! tara tignan natin!'

Bago pa makalapit ang mga babae samin ay isinubsob na ako ni Andrei sa dibdib niya para hindi makilala ng mga babae. Sinimulan niya ng tumakbo habang ganoon pa rin ang sitwasyon namin.

'kyaaaaah! andrei!'

Nagtago kami sa bandang dulo ng hallway. Sumilip-silip pa si andrei kung may  naka-sunod sa amin habang ako naman ay naga-ayos ng buhok. Iyan na nga ba ang sinasabi ko masyadong baliw sa kanya ang mga kababaihan kaya kapag may nakita lang silang malapit na babae kay andrei ay nai-intriga sila.

"Hoo! that was close!" nakangising aniya. "You should be thankful to me." dagdag niya pa.

"And why would I do that? Nakalimutan mo ba na ikaw ang dahilan kung bakit tayo hinabol nang mga 'yon?, kung hindi ka sumabay sakin at hindi mo ako hinatak edi sana----"

My 31 Days BoyfriendWhere stories live. Discover now