"Nakauwi na po ako " sigaw ko nang mabuksan ko na ang gate ng bahay. Sumalubong sakin ang nakahalukipkip na si Madelyn na may ngisi sa mga labi.
"Problema mo?" nakangiwing tanong ko sa kanya.
"Wala naman buti na lang dumating ka na" nakangiting ani niya. Tinitigan ko siya. Pumasok na siya sa loob na patalon-talon pa. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na rin sa loob.
"Mama! Haha 'kala mo ah! Hindi na ko ang maghuhugas ng mga 'yan dahil nandiyan na ang magaling mong pamangkin!" Dinig kong sabi niya kay tita Maya. Dumeretso na lang ako patungo sa kwarto ko.
"HOY! CZARINA MAGHUGAS KA DAW PLATO!" sigaw ni Madelyn habang nakahilata sa sofa at nanonood ng T.V. Si Tita Maya naman hayun,kausap through video call ang kanyang mga amigas. Napairap na lamang ako at tumuloy na sa kwarto ko. Sa sobrang tagal ko ng kasama ang mag-inang 'yan ay kabisado ko na ng mga ugali nila. Si Madelyn na mahilig mang-asar pero pikon tapos magsusumbong sa nanay niy na lagi ko raw siyang inaaway at si Tita Maya na walang ginawa kundi ang makipag-chismisan sa mga kumare niya, kahit pa nasa ibang lugar ang kausap niya ay gagawan niya talaga ito ng paraan para masabi lang ang bagong issue. TssAng tagal ko na palang kasama sila at ang tagal ko na ring walang magulang. Napabuntong-hininga na lamang ako at niyakap ang kama ko. Pumikit ako at inalala ang oras na kasama ko pa sila.
"Hoy yung plato! bilisan mo!" idinilat ko ang mga mata ko at napakuyom ang kamao sa inis.
"Oo na! Paulit-ulit! Bakit aalis ba 'yang mga plato na 'yan ah? Ano pupunta ba silang Amusement Park tapos sasakay sila ng Roller Coaster o baka naman magba-vikings sila? Kairita 'to!" tumayo na ko at nagpalit ng damit. Dumiretso na ko sa kusina ng maayos ko na ang mga gamit ko. Nadatnan ko si Madelyn na may binubulong sa sarili. Nabaliw na"Amusement Park.......Amusement Park" dinig kong bulong niya ng magsimula na kong magkuskos ng kaldero. "Tama! E kung doon na lang kaya? Oo nga!" sigaw niya ng may ngisi sa labi.
"Hoy Czarina! Saan may malapit na Amusement Park dito?" tanong niya.
"GMT" sagot ko.
"Huh? Anong GMT?"
"Google Mo Tanga"
"Aish! Kahit kailan ka talaga! Wala kang kwentang kausap!" napairap na lang ako at tinuloy ang paghuhugas.Nang matapos ako, ay agad akong humilata sa higaan at ipinahinga ang katawan at utak ko hanggang sa makatulog ako.
Be my girlfriend for 31 days.....Be my girlfriend for 31 days.....Be my girlfriend for 31 days.....Biglang bumukas ang ngayong nanlalaki kong mga mata.Napatingin ako sa ibaba ng kama ko at nakita si Nikolai NA NAKATITIG SAKIN.
"Goodmorning girlfriend!" nakangiting ani niya habang minamasahe ang paa ko.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAHH!" sigaw ko sabay tadyak sa mukha niya.
"Aray!" napabalikwas ako ng bangon habang hingal na hingal. Hayy salamat panaginip lang pala. Hindi, isa pa lang bangungot! tama!.
"A-ang sakit, huhu" napatingin ako sa paanan ko at nakita ang umiiyak na Madelyn.
"Hoy, anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? At dito mo pa talaga napiling umiyak ah" saad ko.
"Nakikita mo ba to ha?! Bakit mo ko tinadyakan? at bakit sa napakagandang mukha ko pa talaga?!" umiiyak na sigaw niya. Namumula ang mukha niya na may bakat ng paa ko. Awww akala ko minamasahe ako ni Nikolai eh."Eh, ano ba kasing ginagawa mo dito sa kwarto ko?" nakangiwing tanong ko.
"May pinapakuha kasi si mama, tapos naisip kong kilitiin ka pero bigla mo na lang akong tinadyakan sa mukha! Huhu! susumbong kita!" napangiwi ako sa sinabi niya.
" 'Yan kase, trip pa, nang matadyakan ulit kita! Tabi!"
"I hate you to the moon and back!" sigaw niya habang paalis ng kwarto ko.
"Letse! May paganyan-ganyan ka pa, eh 75 lang naman grades mo sa English!" pahabol na sigaw ko.
"LKP!" balik na sigaw niya sakin.
"Weh,...pauso wala namang ganyan eh. Ano 'yun Lolo Ko Panot? baliw, lolo mo rin lolo ko!" pangaasar ko sa kanya.
"Boplaks! Lagot Ka Kay Papa 'yun!"
"Luh.. si tanga oh....LKKP na 'yon eh, tsaka huwag mo nga kong gayahin sa mga ganyan ko, kasi hindi bagay sayo mukha kang pwet! Alis na!" nakapameywang na ani ko.
"Susumbong talaga kita kay papa Czarina! para hindi ka na bigyan ng pasalubong!" padabog siyang umalis ng kwarto ko.
"Sayo na, isip bata"
Inayos ko na ang damit na susuotin ko para mamaya at dumiretso na sa banyo para makaligo.
Nikolai Brax's POV
YOU ARE READING
My 31 Days Boyfriend
Genç KurguI'm Czarina. Hindi ako maganda tulad ng iba at hindi ako pala-kaibigan tulad ng karamihan. I'm just a typical girl na hindi mo napapansing nag-e-exist sa mundo. WALANG pumapansin sakin sa campus EXCEPT to that annoying man-Andrei. But what on earth...