The Ex's Convo (One-Shot)

30.1K 745 100
                                    

FB Page: http://www.facebook.com/SweetPeachStories.Official

(Or click the external link)







~

Ilang taon na din ang nakalipas simula ng huli ko syang makita.. "Hannah?" at hindi ko akalaing natatandaan nya pa ako. Chos. Hahaha!

"Austin!" sagot ko sa kanya kaya napangiti sya.

Small world nga naman. Kababalik ko lang sa Pilipinas galing L.A. At di ko akalaing sa paggagala ko mag-isa e, sya pa makikita ko.

"Naks! Nagbago na sya!" pang-aasar neto.

"Siraulo. Haha!"

Si Austin nga pala, ang first (ex)boyfriend ko. Ang first major heart break ko.

"Kamusta? Masaya ka na?" tanong ko.

"Ano ba namang tanong yan? Oo naman. E, ikaw? Masaya ka na?"

"Haha! Tinatanong pa ba yan?"

"Oo nga naman. Nauna ka nga palang sumaya kesa sakin."

"Ikaw naman ang bumitaw e."

"Haha! Alam ko." sagot nya at natahimik kaming dalawa.

Yeah. Kaya nga major heart break e. Sya nanligaw tas sya din pala bibitaw. Halos mabaliw na nga yata ako kakaiyak nung time na nakipag-hiwalay sya sakin. Hindi naman kasi clear. Hindi ko din talaga gets. 2 years men. 2 years din umikot ang mundo ko sa kanya. 2 years akong naging masaya sa piling nya. In the end, hanggang 2 years lang din pala yun. At ang reason? Para daw sumaya na ko. Ang gulo no? Paano ko sasaya kung binitiwan nya ko di ba? Baliw lang e.

"Pero kung di ko ginawa yun, edi sana hindi ka masaya ngayon?" sabi nya. But, I ignored it. Co'z of one question that I've been dying to ask ever since.

"Nagsisisi ka na bang ginawa mo yun?" seryosong tanong ko pero sa pabirong paraan.

"Nagsisi na ko... Alam mo yun? Pinakawalan ko yung babaeng handa akong suportahan sa lahat ng bagay, yung maalaga, yung pasasayahin ka sa mga panahong down na down ka, yung babaeng hindi ka magagawang talikuran sa mga panahong tinalikuran na ko ng iba, yung babaeng isasakripisyo pati oras nya basta lang makasama ka at yung babaeng ibang klaseng magmahal. Sobrang nagsisi ako. Ang tanga tanga ko. Ang bobo bobo ko. Pero alam mo kung bakit ko ginawa yun?"

"Kasi, para sumaya ako." sagot ko.

"Haha. Alam mo pa pala."

"Baliw ka ba? Haha. Sino bang makakalimot sa dahilan na yun? What a lame reason. Buti nga di mo yun dinagdagan ng shitty punchline na 'It's not you, it's me'. Or pwede namang derechuhin mo akong hindi mo na ko mahal di ba?" sagot ko at tumawa sya.

"Haha! Grabe ka naman! Hindi naman sa hindi na kita mahal, ginawa ko lang naman yung alam kong tama." sabi nya ulit.

"Tama? Hindi ko alam kung paano naging tama iyon sa iyon, pero hindi lahat ng tingin mong tama e, dapat. Paminsan, kailangan mo ding piliin yung ibang mali dahil yun ang tama. At hindi din lahat ng tama e, nakakapagpasaya. Minsan, mas nagdudulot 'to ng sakit."

"Oo. Alam ko. Yung sakit na yun? Sobrang sakit.. Gi-give up mo yung sarili mong kasiyahan dahil alam mong mas masasaktan lang sya pag nanatili pa sya sayo." nangiti nalang ako sa sinabe nya.

"Ang ironic no? Magmamahalan ng sobra ang dalawang tao tapos biglang hindi pala sya yung para sayo kaya wala kang magawa kahit masakit.. no, kahit sobrang sakit, kailangan mo syang i-let go.." mahinang sabi ko.

"Pero ganun talaga e.. Haha. Sabi nga nila, kung kayo talaga kahit ilang minuto, oras, araw, buwan taon o gaano katagal pang abutin yan, kayo pa din.. Pero isang bagay sa ginawa ko? Hindi ko pinagsisisihan na ni-let go kita.. Alam mo kung bakit? Kasi kung hindi ko ginawa yun, edi sana.. hindi ka malapit ng ikasal ngayon.. Congrats Hannah."

Nginitian ko sya, "Thank you.. Ikaw din, congrats sa first baby nyo.." Pagkasabi ko nun ay, na-ring ang phone ko. "So, I guess I'll just be seeing you around? Hinahanap na kong soon-to-be husband ko."

"Haha! Sige sige. Pupuntahan ko na din ang mag-ina ko. Hoping you a very wealthy and good life Hannah."

"Same to your family too, Austin. Lalo na sa baby nyo. Pa-ninang ako ha?" I smiled and get myself together.

"Sure." nangiting sagot nya. We hugged each other as friends, bid farewell and went seperate ways.

Minsan para maka-move on ang isang tao kailangan nyang tanggapin na may mga bagay na hindi na pwedeng ipilit. Matuto nalang maging masaya at kalimutan ang mga nangyaring masakit. I've loved Austin, pero hanggang doon nalang iyon. We had our time, pero hanggang doon nalang iyon.

The Ex's Convo (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon