Michelle's POV
Nasa second row kami ni Patty nakaupo. Tig-limang upuan ang bawat row dito. Wala pang nakaupo sa ibang upuan ng row namin. Medyo napapa-kalma ko na rin ang sarili ko dahil sa nangyari kanina. Pero naiinis rin ako kasi first day na first day ay masisira na agad ang kasiyahan ko. May narinig naman akong nagbubulungan.
"Pre, ang gaganda nila."
"Oo nga pre, baka bago pa sila dito."
"Try mo kayang ligawan baka sagutin ka niyan."
"Ikaw mauna bago ako."
"Lapitan mo kaya sila malay mo pansinin ka nila."
Tinignan ko naman kung sino 'tong nagbubulungan. Yung isa may pagka-chubby na singkit ang mata. Yung isa naman ay payat na malaki ang mata. Hindi sa judgemental ako pero totoo naman ah. Iniwas ko na lang ang aking tingin sa kanila. May lumapit sa'min na lalaki at ito yung payat.
"Hi, Justin nga pala. Transferee ba kayo?" Pagpapakilala nito kasabay ng paglahad rin niya ng kamay. So Justin pala. Nagkatitigan muna kami ni Patricia bago tanggapin ang pagkalahad ng kamay ni Justin. "Patricia Mendez nice to meet you." Nakangiting bati ni Patricia. "Michelle Lopez, Mich for short. And yes we are transferees." Nakangiti ko ring bati kay Justin. Bigla na lang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng nakasalamin. Namukhaan ko siya. Siya yung nerd na tinanong namin kanina- Siya si Danica.
Nang makapasok na siya ay tinawag ko ito.
"Danica. Dito ka oh." Nakita niya kami at naupo na sa isang bakanteng upuan sa tabi ni Patricia. "Magka-klase pala tayo!" Masiglang sabi ni Patricia. Hindi ko namalayan na umalis na sa harapan namin si Justin at bumalik sa kanyang upuan. Habang naku-kwentuhan kami nina Patricia ay di nagtagal ay bumukas na naman nito at niluwal nito si Mokong- WAIT!! Magka-klase kami nitong asungot nato!.
Bigla ng nanahimik ang lahat ng makapasok sila. Nagkatitgan lang kami ng asungot nato. Lima sila ngayon. May isang lalaki na naka-poker face lang siya pero gwapo, medyo matangkad. Yung isa naman mas matangkad sa kanilang lahat, masiyahin ang mukha todo smile. Tuluyan na silang pumasok ng mag-ring na ang bell at umupo sa likuran namin- WAIT!!! Bakit sa likuran pa namin sila uupo may upuan naman sa mas likod.
"Alis ka dyan sa'min ang pwesto NAMIN TO!" Sigaw niya sa lalaking nerd na nakaupo sa likuran namin. Aba akala mo naman kung sino 'to kung makapag-utos akala mo hari. Wala nang nagawa yung nerd at naghanap na lang ng ibang mauupuan. Nagawa pa niyang ngumisi ha! "Don't mind him." Mahinahon na sabi ni Patricia sa'kin. Tumango na lang ako.
May pumasok na isang matandang babae pero hindi naman masyadong matanda baka mga 30+ na ang kanyang edad.
"Good Morning Class!" Masiglang bati ng Prof namin.
"Good Morning Ma'am!" Bati rin naman sa kaniya.
"Sorry kung na-late ako kasi may dinaanan pa ako. Magpapakilala muna ako. I'm Mrs Vanessa Bautista and I will be your teacher for the whole school year. Please take your sit." Tuluyan na kaming umupo.
"I think may transferees tayo diba?" Nakangiti pa rin niyang tanong sa klase. Bakit ba ang ganda niya pag-ngumingiti. "Let's see kung sino nga ba dito sainyo ang transferees." Parang nanghuhula niyang sabi. Inilibot niya ang kanyang kamay at sinusuri kung sino para sa'kanya ang nakakabago lang sa'kanyang paningin. Nung tumapat ang kanyang kamay sa'min ay nginitian niya lang kami ni Patricia.
"Would you two introduce yourselves?" Nakangiti pa rin nitong tanong sa'min at pumunta na kami ni Patricia sa harapan. Nauna naman magpakilala si Patricia sa'kin.
"Hi classmates! My name is Patricia Mendez. 16 years of age. I hope we'll have a good memories for the whole school year!" Masigla niyang pagpapakilala sa klase. Nagpalakpakan lang sila. May sumigaw pa na mga lalaki.
"Ang ganda mo talaga Patricia!"
"Akin ka na lang!"
"Can you be my girlfriend?!"
Natawa na lang ako sa mga sinabi nila. Nakita kong namula si Patricia sa tabi ko at yumuko na lamang. "That's enough." Nakataas pa ang kamay ni Ma'am Vanessa habang pinapatahimik ang mga kaklase namin. Tumahimik naman silang lahat. Bumalik na sa'kaniyang upuan si Patricia habang namumula pa rin ang kanyang pisngi.
"It's your turn." Ma'am Vanessa said while smiling again. Bago pa ako nagpakilala ay nagtama pa ang aming paningin ni asungot. Inirapan ko na lang siya.
"Good Morning classmates! My name is Michelle Lopez, Mich for short. 16 years of age. And I hope we could be friends for the whole year!" Masigla ko ring pagpapakilala sa'kanilang lahat. Meron na namang sumigaw na mga lalaki at babae.
"Single ka ba Mich?!"
"Can you be mine?"
"I love you na talaga Mich!"
"Ang ganda ganda mo Ate Mich!"
"Ang ganda po nang smile niyo."
Feeling ko ang pula-pula ko na!! Enebeyen kenekeleg eke. I'm so flattered. Nakita ko na lang na sumimangot si asungot. Haha! Ano ka ngayon? "Okay tama na yan. Mukhang kamatis na si Miss Lopez dahil sainyo." Pagpapatahimik ni Ma'am Vanessa sakanila.
"Please go back to your sit Miss Lopez." Tumango na lang ako dito at umupo na sa'king upuan. Ngitian ko na lang sina Patricia. "Class listen. This morning wala pa tayong ita-topic sa subject ko syempre first day of school niyo so you can have your free time." Pahayag ni Ma'am Vanessa. Nagkasiyahan ang aming mga kaklase dahil sa pahayag ni Ma'am Vanessa.
"And about naman sa seating arrangement niyo. Bukas ko na lang aayusin. So class dismissed." Paalam nito. Nagsitayo na kaming lahat kay Ma'am Vanessa at nagpaalam.
YOU ARE READING
Suddenly In Love [On Going]
RomanceHi there readers Nain-love, Nagkajowa pero Sinaktan sa bandang huli?