Michelle's POV
"Mich, Mich. Gising na may pasok ka pa male-late ka niyan." Isang boses nang babae ang naririnig ko na gumigising sa'kin. "Nah! Later na lang po. Gusto ko pang matulog." Sabi ko dito habang nakapikit pa ang aking mata. "Hayy. May naghihintay sayo sa sala. Yung kaibigan mong si Patricia. Ang sabi niya pag hindi ka pa babangon dyan iiwan ka niya daw." Nang marinig ko yung sinabi niya, agad akong napabangon at nakitang si Yaya Linda pala ito. "Salamat po sa paggising." Yun na lang ang nasabi ko kay Yaya Linda at tuluyan nang bumaba at pumunta sa sala. Naabutan kong nakaupo si Patricia sa aming sofa. Nginitian ko na lang siya.
"Kahit kailan hindi ka parin nagbabago." Bungad niya sa'kin.
"Kanina ka pa ba dito?" Nahihiya kong tanong sa bruhang 'to.
"Ay hindi siguro! Kahapon lang ako dumating dito." Pamimilosopo niya.
"Sorry na daw. Anong oras nga pala ang simula nang klase?" Tanong ko.
"Mamayang 7:30 daw. It's already 6:30 meron pa tayong oras." Sagot nito.
"Sige aakyat na ako para makapag-ligo." Paalam ko na lang dito.
"Okay. At pakibilis lang kasi you know.. Ayaw ko na ipinaghihintay ako." Maarte nitong sagot. Hindi ko na siya sinagot pa at tuluyan nang umakyat na tunungo ang aking kwarto.
Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ako sa kwarto ko at pinunta si Patricia. "Let's go." Yaya ko rito. "Hindi kana mag-aalmusal?" Tanong ni Yaya Linda. Nginitian ko lang siya. "Hindi na po kasi male-late na kami sa klase. Kayo na lang po ang kumain niyan. Sige una na po kami." Paalam ko dito.
"Bye Yaya Linda." Paalam rin ni Patricia kay Yaya Linda.
Nang makalabas na kami nang bahay ay pumunta na kami sa sasakyan ni Patricia. Wala sina Mommy at Daddy kasi nasa Korea para sa business nila. Hindi rin kami masyadong nakakapag-bonding dahil sa sobra nilang ka-busy sa work. And actually may Kuya ako. Nasa Korea rin siya para tulungan sina Daddy para sa business. So kami lang ni Yaya Linda ang magkasama sa bahay pero paminsan pumupunta rin si Patricia kung bored siya sa bahay nila. Kababata ko na yan si Patricia kasi magkakaibigan ang aming parents at meron din siyang kuya si Patrick Mendez may pagka-suplado siya noong unang kita ko sakanya pero di nagtagal ay nawala ang kaniyang pagka-suplado.
"Besh we're here." Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa bago naming school. Nandito kami sa harap ng gate at may nakasulat sa taas nito na Monterro University. Tuluyan na naming ipinasok ang kotse ni Patricia at namangha ako sa ganda ng University nito. May isang Fountain sa gitna and may naglalakihan na building. Ang mga estudyante naman naglalakad papunta sa iba't ibang building. Mayayaman sila. Bonggahan ang mga kotse.
"This is gonna be fun!" Masigla na sabi ni Patricia. "Yeah." Maikli kong tugon dito. Nang makita na namin ang parking lot ay nag-park na nang kotse si Patricia. Lumabas na kami sa kotse at maraming estudyanteng nakatingin sa'min.
"Besh ang ganda natin noh?" Bulong na tanong ni Patricia sa'kin. Inirapan ko na lang siya. "Yeah. I know. Tara na baka malate pa tayo." Sabi ko na lang dito. Pumunta kami sa isang building at kasalukuyang hinahanap ang aming room. Actually grade 10 student na kami ni Patricia. Classmate ko na siya since elementary and until now. Nang hindi namin mahanap ang aming classroom ay napagisipan na lang namin magtanong sa mga estudyante.
"Magtanong na lang tayo sa mga estudyante." Tumango na lang ako. May nakita kaming babae na may salamin. Para sa'kin isa siyang nerd pero hindi naman kami maarte para hindi na siya tanungin. Sinalubong namin siya. "Hi! Pwede bang magtanong kung saan ang Grade 10-A?" Nakangiti kong tanong sakanya. Bigla na lang siyang natahimik. Hindi ko maitatanggi na maganda naman siya kahit nerd siya.
"Hello!" Paga-approach naman dito ni Patricia. Bigla na rin siyang natauhan. Ngumiti kami ulit sakanya. "Ahmm... Pasensya na po. Nasa kabilang building po at sa second floor." Nahihiyang sagot niya sa'min. "Ah gano'n ba. Sige salamat na lang." Pagpapasalamat namin dito. "Walang anuman po. Sige mauna na po ako." Pagpapaalam narin nito. Tumalikod na kami dito.
****
Patricia's POV
Nakaka-ilang hakbang pa lang kami ay bigla na lang humarap sa likod si Mich at tumakbo para habulin yung nerd na tinanong namin kanina.
"Wait! Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ni Mich sa pangalan nito. Friendly talaga yan si Mich. Marami nang nangliligaw dyan pero kahit isa man lang ay wala siyang naging boyfriend. Ewan ko ba sa babaeng ito, ang sabi niya ayaw niyang magka-boyfriend kasi baka sasaktan lang siya gaya ng pinapanuod niya sa K-Drama. Pag-aaral lang ang inaatupag niyan. But I thank god because I have a friend like her.
"D-danica. Danica Perrez po." Pagpapakilala niya sa'min. "Well nice to meet you. Ako nga pala si Michelle Lopez you can call me Ate Mich and this is my best friend Patricia Mendez." Pagpapakilala na rin ni Mich kay Danica.
"I think we should go na. Baka malate kami. And I hope we could be friends." Nakangiti kong pagpapaalam kay Danica. Nginitian na lang niya kami at tumalikod na.
"See you around!" Habol pang paalam ni Mich habang papalayo na si Danica. Tinungo na namin ang sinasabing building ni Danica. Malapit na namin maabot ang room namin. Nang may nakasalubong kaming mga lalaki at yung isa naman ay bigla na lang binangga si Mich at napaupo siya sa sahig. Oh. My. God lagot kayo kay Mich.
*****
Michelle's POV
Arayyy! hindi ba siya marunong tumingin sa dinadaanan niya!
"Mich are you okay?" Tanong ni Patricia sa'kin at tinulungan akong tumayo. I just glared at the guy who bumped me. "Hoyy! Ikaw! Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo!" Bulyaw ko sa lalaking matangkad na nakabangga sa'kin. Nakuha na namin ang ibang atensyon nang estudyante dahil sa pagsigaw ko.
"OMG! Hindi ba niya kilala kung sino ang sinigawan niya?"
"Oo nga akala mo naman kung sino."
"Siya na nga 'tong nakabangga, siya pa 'tong galit"
"Feeling maganda."
Samot-saring bulungan ng mga estudyante. Hindi ko na sila pinagtuonan ng pansin. Itinuon ko ang aking pansin sa lalaking nakabangga sa'kin.
"Aba! Ikaw na nga itong namangga tapos ikaw pa ang may ganang magalit! Kung hindi ka lang baba-" Pinutol ko ang sasabihin niya. "Anong kung babae ako hah! Ano susuntukin mo ako hah!" Sigaw ko sakanya habang inaawat ako ni Patricia.
"Abat sumusumbat ka na hah!" Gigil niyang sabi habang meron ring umaawat sakanya na dalawang lalaki. "Vin tama na yan. Babae siya." Awat sakanya na lalaki na may panda sa T-shirt niya.
"Pasensya ka na po sa boss namin medyo mainitin lang ang ulo nito." Paumanhing sabi ng medyo may pagka-bata sa kanilang tatlo.
"Hindi pa ako tapos sayo!" Sigaw pa nang Vin na yun. Tinitigan ko lang siya. Sayang ang gwapo mo pa naman pero ang sama sama ng ugali mo!. "Hindi rin ako tapos sayo." Kalmado kong tugon din sakanya. Umalis na lang ako doon at nagtungo na kung saan ang room namin.
Hindi ko na nilingon yung mokong na yun. Bahala siya sa buhay niya!. Hindi kona namalayan na nasa tabi ko na si Patricia. Tinitigan ko lang siya at nginitian. "Okay lang ako. Don't mind me." Kalmado kong sabi dito. Tumango na lang siya. Nang nasa tapat na kami ng room namin ay pumasok na kami rito. Bigla na lang napatahimik ang lahat sa classroom ng pumasok kami rito. Yumuko na lang ako at naghanap nang mauupuan namin ni Patricia. Nang may nahanap na kaming bakanteng upuan ay umupo na kami.
************Author's Note❤😊
So ayan na po ang chapter one!! Enjoy reading❤
YOU ARE READING
Suddenly In Love [On Going]
RomansaHi there readers Nain-love, Nagkajowa pero Sinaktan sa bandang huli?