Chapter 2: I'm Watching You While You Watch Him

6.9K 189 79
                                    

Symerra Scarlet Reyes

"Symerra, wake up!" I heard my mother's voice then her knock on the door. "Nasa baba si Arck hinihintay ka."

Kaagad akong bumangon nang maalala ang usapan namin ni Arck. Dumiretso ako sa banyo at naligo.

I chose to wear a black high waisted jeans and a printed white croptop. I then partnered it with a white sneakers. Applied a matte tint and a blush and I'm done. Kinuha ko ang maliit kong black back pack sa closet at nilagay doon ang mga kailangan ko saka bumaba.

Naabutan ko sa sala si Arck talking with my mother. He looks refreshing with his outfit.

"Hindi pa tayo nakakapag usap ng masinsinan. Visit some other time, Hijo."

Tumango si Arck sa sinabi ni mommy, "Sure Tita."

"Arck." Tawag ko sa kanya saka lumapit.

"Good morning." Bati niya.

Ngumiti ako at bumati pabalik."Good morning."

"Alis na po kami, Tita." Tumayo si Arck habang nagpapaalam.

Tumango si mommy habang nakangiti, "Sige. Ingat kayo."

"Bye mom." Paalam ko at tumalikod na kami at lumabas na sa bahay.

Nakaparada sa harap ng bahay ang kotse ni Arck. Nauna akong pumasok at sumunod siya sa driver seat. Tahimik lang kami hanggang sa pagbuksan kami ng gate ni manong at nakalabas sa mansyon.

We were silent for a while. The silence is suffocating me. So awkward.

How should I treat him? Should I talk about casual topics?

"Saan nga pala tayo pupunta?" Tanong ko na lang.

"May gusto ka bang puntahan?" Tanong niya at saglit akong nilingon.

"I do." Nakangiting sagot ko.

I wanna go to a place I haven't visited for a long time now.

Tumingin si Arck sa paligid. "So this is where you want to go?" Tanong niya at nakangiti akong tumango.

"Yep. Now, let's ride the rides!" Sabi ko at naunang naglakad at pumila sa stall ng nagbebenta ng tickets.

"But it's too early for this." Sabi niya habang nakasunod sa 'kin.

"It's 12:00 PM. How is that early?" Tanong ko. "Tingnan mo nga oh! Ang daming tao." Umiling-iling ako.

"Dalawang ticket po para sa ride na 'to." Sabi ko sabay turo sa poster at nagbayad. Nang maibigay sa 'kin, umalis na ako sa pila para pumila na sa mismong ride. Nakasunod pa rin sa 'kin si Arck.

"Mag rides na tayo." Nilingon ko siya at tumango lang siya. Tinitigan ko siya at ngayon ko lang naappreciate ang hitsura niya.

He has thick eyebrows that is cleanly formed. Pointed nose, light brown eyes, and red lips. Ang linis ng mukha niya. Hati sa gitna ang buhok niyang hindi gaanong mahaba. He has strong facial features. He's wearing ripped denim jeans, a white printed tee shirt that says privileged on the chest part and he partnered it with a white sneakers.

He has many piercings on his left ear, it counts 5. And 3 piercings on his right ear. Despite of his piercings, he looks clean. He radiates the head turner gorgeous man. He's not bulky but not thin too. His build is average. And his height, he's so tall. I'm 5'7 but I only reached his eyes. He looks... hot.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon