Chapter 4: Explained

4.5K 170 12
                                    

Arck Leonel Cortez

"Explain then." Sabi niya. "And oh! Don't forget to explain your  thing for Paul." Pahabol niya.

Shit! How do I explain this?

"S-symerra." I looked at her with pleading eyes.

As much as I can, I don't want her to be angry at me. Alam niya ang sekreto ko. Right now, whether my life gets destroyed or not depends to her.

"Explain Arck."

"Symerra, yes! I like Paul since junior high." Mabilis kong. sabi "But I only admired him from afar because I know! I know that I don't stand a chance." I explained, reminiscing the past.

Year 20**. St. Reyes University

"Arck!"

Nilingon ko ang tumawag sa 'kin. Si Anda.

"Oh Anda!" Nakangiting bati ko.

Mabilis siyang lumapit sa 'kin, "Nakita ko si Kylie sa gymnasium! May practice ata siya ng cheer leading!"

Si Kylie Arguelles. Kapatid ni Paul Arguelles. Si Paul Arguelles na lalaking gusto ko.

"Ha? Ano naman?" Kunot-noong tanong ko.

"Akala ko ba ay crush mo si Kylie? Kasasabi mo lang sa 'kin kahapon noong manood tayo ng practice niya sa gym."

Ah, 'yon.

Naalala kong sinabi ko pala sa kanya na crush ko si Kylie para gawing dahilan mapanood lang si Paul na magpractice sa gym.

"Ah!" Ngumiti ako, "Oo nga. Tara panoorin natin siya!" Aya ko.

Excited naman siyang tumango at sabay kaming pumunta sa gym.

Ineexpect ko nang nandoon din si Paul ng mga oras na iyon dahil kasali siya sa junior basketball team.

Nakaupo na kami pareho ni Anda sa bleacher. Nakangiti siya habang nakatingin sa kung saan kaya sinundan ko ng tingin ang tinititigan niya. At tumigil iyon kay Paul na abala sa pagpapractice.

Siniko ko si Anda, "Hoy! Crush mo ba si Paul?" Tanong ko rito at nagniningning ang mga matang tumango siya.

"Oo! Matagal ko na siyang crush! Oh 'di ba? Magkapatid lang ang mga crush natin!" Nakangiting saad niya habang nakatingin pa rin kay Paul.

Gusto kong sabihin na pareho lang kami ng crush pero hindi ko magawang sabihin. Walang nakakaalam na lalaki rin ang gusto ko.

Kaya malungkot na tumahimik na lang ako roon.

Mayamaya naagaw ang atensyon ko ng mga babaeng nagtitilian at mga lalaking nagkakantyawan.

Napatingin ako sa pinagkakaguluhan at nakita kong papalapit si Paul sa cheering squad. Mula rito sa bleachers sa taas na kinauupuan namin ay kitang-kita ko ang mga nangyayari sa court.

"Hala! Anong gagawin ni Paul?" Saad ni Anda sa gilid ko.

Nagtitilian ang ibang myembro ng cheering squad habang si Kylie ay nakacross lang ang braso habang nakataas ang kilay na pinapanood ang kuya niyang papalapit sa grupo nila.

Habang ako ay nagtataka kung ano ang gagawin niya.

Nakita ko pa sa baba ang iba sa pinsan ko at mga kaibigan namin.

Yes I'm Gay But I'm Married To A Woman (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon