Chapter 13: Whole day training

1.1K 33 7
                                    


Chapter 13

Hannah's Point of View

Katatapos lang ng flag ceremony naming ng biglang pinatawag kami sa gym ni Principal Silvestre.

"Students, excuse kayo sa lahat ng subjects niyo today." Sabi ni Ma'am Silvestre

"Woooooh"

"The best talaga si Ma'am"

"Hala bat kaya?"

"Anong meron?"

"Pwede na kaya umuwi?"

Yang mga naririnig ko sa mga teammates ko. Nakita ko naman si Vincent ng kinakausap si Coach, anong meron?

"Ma'am bakit po?" tanong ko sa principal

"You'll have whole day training, training starts at 8:00am, pagtapos niyo mag training bumalik kayo sa akin kakausapin ko kayo ulit. That's all for now, I'll leave you with Coach Ramos"

"Thanks Ma'am. So magsstart kayo sa aqua training tapos, 50 laps sa field, 30 minutes na circuits, 30 minutes na loading, 20 planting rice sa gym , 50 push-ups and seat-ups, at 100 na suicidals."

"Coach wala namang ganyanan"

"Sana pala di na ako pumasok"

"Field trip pa naman bukas"

"Patay tayo jan"

"Papatayin niyo ba kami Coach?"

"Huwag na kayong magtanong kung bakit at magrekalamo dahil napag-utusan lang din ako"

Rinig ko ulit sa mga teammates ko, sa totoo lang hindi talaga maganda ang umaga ko wala ako sa mood dahil meron ako, kanina pa masakit ang puso ko tapos dadag pa tong whole day training namin.

"Huwag kayong mag-alala pagkatapos ng isang exercise niyo may 5 minutes water break kayo at ang break niyo lunch break lang, magpapahinga kayo ng 30 minutes then balik ulit kayo sa gawain niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" dagdag pa niya. Halatang-halata mo sa amin na mga teammates ko na lumong-lumo dahil wala naman kaming matinding game para sa week na to pero sagad-sagadan ang training namin.

"Oh anong pang iniintay niyo 7:48 na, you have 12 minutes to change. GO!!!" sigaw niya, napatayo naman kami lahat. Nakita ko naman si Vince na paalis na kaya hinabol ko siya kahit masakit ang puson ko.

"Teka lang Vince, anong meron anong pakulo to? Bakit mo kinausap si Coach kanina?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya

"It's for you own good, trust me" sabi niya tapos nilagpasan niya ko. "By the way, no tutorials later" pahabol niya. Medyo weird yung it's for your own good pero pinabayaan ko na lang

Natapos na kami sa mga pinapagawa ni Coach we're down to our last at yun ang 100 each suicidals. Yun yung pinakamahirap panggalan pa lang mamatay ka talaga bali ganito yun nasa bleacher lahat kami ng sc tapos aapakan namin yung bleacher na parang aakyat tapos baba ulit bali una isang paa lang na 100 magiging dalawa na 100 magiging patalon na 100 hundred hanggan sa matapos mo. Bali 300 countings lahat hindi biro to lalo na meron ako.

Pangatlo ako sa natapos, at tapos na rin ako mag-cool down. Sumalampak agad ako sa sahig dahil hindi ko na  talaga kaya. Parang bibigay yung katawan ko, anytime. Eto yung pinakamlupet na training namin. Tiningnan ko lang mga teammates ko, awang-awa na ko sa kanila pati sa sarili ko.

"Capt. Tara na? Tapos na sila oh" tawag sa akin ni Steph, saka tinayo ako sa pagkakasalampak. "Ayos ka lang, kanina ka pa walang imik ah?" tanong niya sa akin tumango na lang ako

TVGMMAS (Completed)Where stories live. Discover now