Chapter 16: Sick

1.1K 26 0
                                    

CHAPTER 16

Hannah's Point of View

"Uy Brianna. Ang sarap naman ng kakanin na to" sabi ng isa sa mga classmates ko

"Nako salamat ah. Magbebenta pa ko niyan bukas. Maasahan ko ba kayo?" I asked them.

"Oo ba, basta ganito kasarap" sinabi nung kabatch namin na lalaki at inakbayan ako, nginitian ko lang siya.

"Oo nga Brianna. Ang sarap talaga. Tatlo sa akin nito bukas ipapa-tikim ko kela Mommy" sabi nung isang player ng basketball team

"Talaga?" tumango naman siya "Sige ba" sagot ko.

Nagsimula na akong maglakad ng sa hallway kasi malapit na rin matapos ang recess . Pabalik na rin ako sa room ng biglang may lumpait pa sa aking group of students.

"Ate Brianna. Nagbebenta daw po kayo ng kakanin?" tanong sa akin ng frosh student. Napangiti naman ako, kasi lima sila. I'm hoping na lahat sila bumili kasi kapag lahat sila bumili onti na lang yung ibebenta ko for lunch time.

"Ah. Oo eto oh. Biko..Sumang Mannga..Kalamay Ube..Palitaw..Maja Blanca..Putchinta" alok ko sa kanila.

"Hmnn Ate Ube sakin at Maja Blanca" sabi nung isa

"Ate Biko sakin"

"Masarap ba tong Sumang Mangga..Ngayon ko lang po kasi narinig to eh."

"Ay oo masarap to, gawa ng Mama ko" alok ko sa kanila

"Talaga po...sige po isa niyan" sabi niya

"Ate Putchinta sakin"

"Ate ako Biko dalawa po"

Inasikaso ko yung mga order nila at kanya-kanya naman silang nagbayad. Tuwang tuwa ako. Haay. Tama ang basa niyo, nagbebenta ako ng mga kakanin. Naisipan kasi namin ni Mama na magbenta kasi magcocollege na ako at mas triple ang gastos kapag college na.

Natapos ang lunch time at naubos ang benta ko. Ang saya-saya ko. Hindi rin ako makapag-reply kay Vince dahil sobrang nahumaling na ko sa pagbebenta. Nandito ako sa room, mabibilang mo lang sa kamay mo yung students kaya dito ako pwemesto para magbilang din ng kikitain ko.

"Bri, meron pa ba?" lumapit sa akin yung captain ball ng basketball team. Si...sino nga ba to. Ah!

"Nico right?" tumango naman siya. "Sorry kauubos lang din. Bukas magrereserve ako para sa'yo..Hmnn ano bang gusto mo?"

"Ube sana"

"Oh sige. Dadalhan kita ng ube bukas dalawa na irereserve ko." Nginitian ko siya

"Limahin mo na." lumaki ang mata ko

"A-ano?" tumango siya at nagpaalam.

Bumalik ako sa pagbibilang ng kita ng may tumwag na naman ng pangalan ko.

"Sorry..ubos n—"

"Pinatatawag ka ni Press sa SC-HQ" isang lower batch na naka PE uniform ang nagsalita. I mentally slapped my face. Sh*t bat ko nakalimutan replyan siya. Magagalit na naman yon. Aish.

Tinago ko sa wallet ko ang pera at nilagay ko yun sa bulsa na yung uniform ko. Pero bat naman ako ipapapatawag dun? Eh lahat ng mga pinagawa niya sa akin napasa ko on time.

"Yes Mr. President?" sabi ko. Nakita ko naman nagtytype siya sa MacBook niya.

Kunot noong sinara niya ang laptop niya at saka nagsalita "Ano tong nababalitan kong nagbebenta ka?"

Napakunot noo rin ako sa tanong niya. "Bakit? Wala naman sa handbook ang bawal mag-benta sa school na to ang mga estudyante ah At isa pa marangal ang ginagawa ko hindi naman ako nangigipiit ng estudyante para bumili sila sila ang kusang lumalapit sa akin" iritadong eksplenasyon ko.

TVGMMAS (Completed)Where stories live. Discover now