b e s t f r i e n d

28 3 0
                                    

Best Friend

"Ano nag lalasing ka nanaman dyan dahil kay Sharon?!" Pag sigaw ko kay Nate na karaniwang tumutungga ng kanyang alak.

"Anong Sharon?! Nag rerelax lang ako dito eh!" Pag sigaw niya rin dahil sa lakas ng tugtog dito sa bar.

"Tama na nga iyan!" Kinuha ko yung boteng iinuman nanaman niya.

"Ano bang paki elam mo ha?! Bakit ka ba nandito?!" Pagdadabog niya.

"Pinapahanap ka ni Tita! Kanina ka pa nila hinahanap sainyo! Halika na iuuwi na kita sainyo!" Nang aalalayan ko na dapat siya bigla niyang hinatak yung kamay niya.

"Kaya ko ang sarili ko!"

"Hindi mo na kaya! Lasing na lasing ka na!"

"Ano bang pake mo?! Ano ba kita ha?! Hindi ka naman si Sharon ah! Best friend lang kita! Umalis ka na nga dito!"

Ang sakit non ah.

Onti onti ng pumapatak ang mga luha sa aking mata. Ginagawa ko ang lahat para hindi iyon makita ni Nate.

Oo na! Best friend LANG ako para sakanya.

"Oo, best friend mo ako! Parati naman akong nawawala sa paningin mo tuwing nandyan si Veronica eh! Tas iiyak ka nanaman saakin sa tuwing aalis siya sayo!" Nagulat siya sa mga sinabi ko dahil wala iyon sa script.

Pareho kaming nabigla at nawala sa pag aarte ng masabi ko ang pangalan ng kanyang dating nobya.

"Cut!" Sabi ni direk.

Tumakbo bigla palabas si Nate habang naiwan naman akong nanatili pa ring luhaan.

Makaraan ang ilang segundo tumakbo na rin ako palabas upang hanapin si Nate.

Pagkalabas ko ng bar na pinagshoshootingan namin, nakita ko siya may pinaglalaruang bato habang tulalang nakatingin sa malayo.

"Nate?" Pagbati ko sakanya.

"Mae. Mae ano yon?!" Galit na tanong niya patungkol sa nangyari kanina.

"So-sorry Nate. Nabigla lang rin ako. Na-nadala lang ako sa eksena." Pagpapaliwanag ko.

"Nabigla? Nadala? Saan? Bakit? Paano?" Nagtatakang tanong niya.

"Bakit, totoo naman Nate ah! Simula bata pa lang tayo tuwing nasa buhay mo si Veronica nawawala ako sa buhay mo. At sa tuwing wala siya-"

"Bakit sino ka ba sa tingin mo?! Para asahan mong pagtuunan kita ng pansin?! Ha?!"

Masakit.. masakit ang mga binitawan niyang salita. Sobrang sakit.

"Bakit Nate, ano nga ba ako para sa'yo?" Pagtatanong ko sakanya kahit na hindi ko na kinayanan pang pigilan ang mga luha kong kanina pa gustong tumulo.

"Best friend lang kita." Mabigat ang bawat salitang binibitawan niya.

"Best friend mo ako Nate, ako ang parating nandyan para sayo simula bata pa tayo." Sabi ko sakanya na akala ko'y nakikinig pero may iba na pala siyang tinitignan.

Yang mga tingin na yan.. alam ko na yan.. alam ko na kung sinong tinitignan niyang mga yan.

"Veronica?" Pagbigkas ni Nate.

Mas lalong tumulo ang luha ko dahil alam ko na ang kasunod na mangyayari.

Patakbo na sana si Nate ng pigilan ko siya.

"Nate-"

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

"Punyeta Nate kahit ngayon lang! Piliin mo naman sarili mo! Ilang beses ka ng pinaglalaruan niyan ni Veronica!"

"Ano bang pake mo, eh sa mahal ko siya eh!"

"Ang tanga tanga Nate! Ang tanga tanga! Kahit ngayon lang... pagpahingahin mo muna yang puso mo." Payo ko sakanya.

Nakatayo lang si Veronica sa malayo habang hinihintay si Nate na pumunta sakanya.

Demonyita!

"Gusto mo ba ako pag stay-in para saakin o sadyang gusto mo lang mapasayo ako?! Sa tingin mo hindi ko alam na mahal mo ako Mae?! Hindi ako tanga Mae!"

Tama ang mga sinabi ni Nate. Mahal ko siya.. matagal na.

"Oo Nate! Mahal kita, ilang beses na ako nag paraya dahil sabi mo mahal mo si Veronica pero, tae! Apat na beses ka na nyang sinaktan! Apat na beses na rin akong nag paraya! Ang sakit sakit na Nate! Hindi ko na kaya! Kaya sa huling pagkakataon Nate, papapiliin kita. Ako o si Veronica?" Tanong ko sakanya habang umiiyak at nakatingin ng deretso sakanya.

Tinignan niya ako at si Veronica.

Alam kong talo ako sa laban na ito pero sorry, pagod na ako.

Hindi nagsalita si Nate, nabigla. Pero nakikita kong onti onti na siyang lumalayo saakin papunta kay Veronica.

"Sorry, Mae." Pagpapaalam niya.

At bago pa siya tuluyang mapunta kay Veronica.. kinuha ko na ang lahat ng lakas ng loob ko para sabihin sakanya ang mga kagatang matagal ko ng gustong sabihin sakanya.

"Salamat Nate, salamat sa lahat. Mahal kita. Mag  iingat ka. Paalam kaibigan."

The End.

SomniumTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon