kabanata 2

268 143 107
                                    

AEVANGELINE DELA CUESTA

It's been 2 weeks simula nang mangyari yung war and until now walang paramdam ang Achilles hindi rin sila mahanap ng mga tauhan ko.


And I guess ganyan talaga sila, parang kabute na bigla nalang lalabas. Aabangan ko talaga sila once na nagparamdam yang mga peste na yan.


"Aeva!" I can see the irritation on Nathaniel's eyes sabi nya kasi wag akong pumasok hanggat hindi pa lubusang magaling tong sugat ko pero nabobored ako sa bahay hindi ko kayang magstay dun ng ako lang magisa ng ilang linggo.


Sinenyasan ko si Heidi na mauna nang pumasok sa room it's our Finance subject and I bet inexcuse nanaman ako ni Nathaniel sa subject na ito. Porke patay na patay sakanya yung prof namin na babae inaabuso na nya. Ganyan talaga siguro pag pogi noh? Gamitan mo lang ng charm mo lahat ng bagay.


"I told you to stay at home diba? Ang tigas talaga ng ulo mo" nginusuan ko lang sya at inilahad ang kamay ko sa harapan nya.


He always act like a father to me, sabagy sya nalang ang nagaalaga saakin pati nadin sa kumpanyang naiwan saamin


"Lollipop" sambit ko.


Napahinga nalamang sya ng malalim habang umiiling, Then he get the lollipop out of his pocket kaya kinuha ko na agad at binuksan.


"There's a problem in the company" halata na sakanyang stress na stress sya sa mga nangyayari ngayon at pati na din sa kumpanya namin.


"Hindi mo ba kayang ihandle? May klase pa ako eh" pagdating naman sa minor problems in the company sya na ang gumagawa while sa mabibigat naman ay ako ang nagaasikaso.


3 years na din simula nang mamatay si papa at first bumabagsak ang kumpanya pero nagawan namin ng paraan upang bumangon uli ito. After that naging pangalawa nalang sa largest and most successful company in the world. Syempre umangat ang Austria na dati ay pangalawa lang saamin.


"It's the Austrias, ang Rivera's chains of hotels ay balak nilang agawin iyon satin. Bukas nakaschedule ang meeting nila" Nakatakda nang mapasailalim ng kumpanya namin ang chains of hotels ng mga Rivera at dahil sakim ang mga Austria pati yon gusto nilang kunin, and as I know madaling mauto ang Rivera dahil mas angat samin ang mga Austria kaya kailangan ko nang kunin toh bago pa maagaw sakin ng Austria.


"Prepare the contract and my outfit I'll be at the Rivera's Hospital at 8pm" I need to be ahead of the Austria at kapag nakuha ko na ang Rivera I'll make sure that my company will rise again to the top.


Pumasok na agad ako after umalis ni Nathaniel and started my class pero I'm still distracted by the problem sa kumpanya. Naiisip kong mas lalo kaming mahihirapan kung hindi ko makukuha ang Rivera at lahat ng pinaghirapan namin ni Nath ay mapupunta lang sa wala.


I feel someone poking me kaya napatingin ako dito. Si Heidi lang pala. Sumenyas sya sakin na tignan ko yung nakaipit na papel sa libro ko. Di sya makapagsalita ngayon kasi takot sya sa prof. Namin napakasungit kase ng matandang eto eh.

THE ART OF LOVING YOU (ELS #1)Where stories live. Discover now