Kabanata 8

98 51 32
                                    

AEVANGELINE DELA CUESTA

"Sabi ko na nga ba may nagkakagusto sayo nung highschool eh" sambit ni Heidi habang tinitignan ng maigi yung frame na nakuha ko kanina.


Yeah right, maganda naman ako, maamo ang mukha. Ako nga ang pinakamaganda sa buong campus noon, pero walang nagkakagusto saakin, well siguro dahil takot sila sa ugali ko.


"Hindi ka paba magaayos" tinapunan ko sya ng tingin at nakita kong ibinalik nya na sa bag ko yung picture


bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa kama nya, I took my dress that was hanging at the back of her door, pinadala ko kay Ezra tong damit ko dahil baka pag sa bahay pa ako nagayos ay hindi ko na matatakasan si Nath.


I threw my dress on her bed, kumpara sa mala-palasy kong bahay, ang bahay nila Heidi at maliit lang, but she's lucky to have a family na nandyan para sakanya.


We heard a knock at her door at agad namang tinugon iyon ni Heidi.

"Miryende muna kayo nak, may tinapay sa lamesa" ang mama pala ni Heidi na pawis na pawis atmay buhat pang bayong mukhang namalengke ito para sa iluluto nya bukas sa kanilang karinderya.


"Aeva anak anong gusto mong inumin?" napakurap ako sa mama ni Heidi, namiss ko tuloy yung pagtawag saakin ng anak ng mommy ko dati.


napayuko nalang ako, "tubig nalang p-po"

She smiled before leaving the room. samantalang si Heidi naman, nakatingin sakin habang nagpipigil ng tawa. First time nya akong makitang nahihiya sa harap ng tao, bwisit. 


I threw a pillow on her, pero hindi ko din mapigilang ngumiti dahil dun, napakasaya siguro sa feeling kapag laging andyan yung magulang mo para magalaga sayo.


Nagmiryenda muna kami bago nagsimulang magayos para sa pupuntahan namin mamaya.


"Hey that's too sexy" komento ni Heidi sa suot kong damit. 


It was a bodycon mini dress that was colored with black with a touch of silver, samantalang kay Heidi naman simpleng sunday dress, ngunit lalo netong pinalalabas ang natural na ganda ni HeidI.


"Hindi ka naman siguro sasamba sa club diba?" I tease her while looking at her dresS.


Tinapunan nya lang ako ng masamang tingin at maya maya naman ay pumasok uli sa kwarto ang nanay nya.


"Ingat kayo doon anak ha, pili ka na din ng magugustuhan mo" biro ng nanay nya habang dahan dahang sinusuklay yung buhok nya.


Dali dali kaming lumabas nang marinig yung busina ng kotse ni Nico, Heidi waved at her mother bago kami tuluyang sumakay ng Mercedes Sprinter ng kambal.It's very huge at kitang kita ko sa mata ni Heidi ang pagkamangha sa loob ng sasakyan dahil bukod sa mahabang upuan there's a mini bar na punong puno ng wine kahit hindi na kami magpunta sa club eh matutuwa nako sa ganito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE ART OF LOVING YOU (ELS #1)Where stories live. Discover now