Third person's point of view
'Walang kwenta'
'Inutil'
'Hindi kita kaibigan.'
'Buti pa sila kaysa sa'yo.'
'Pa-isa lang naman eh, kunwari ka pa kahit halata namang gamit ka na.'
'Perwisyo'
'Pakamatay ka na.'
'Pinag-aaral na nga, bobo pa.'
'Wala ka ng nagawang matino.'
'Simpleng 'yon pero nalamangan ka pa rin ng iba, palibhasa ibang bagay inaatupag mo.'
Dire-diretsong naglalakad si Alicia habang nakayuko. Pinipigilan niyang tumulo ang kanina pang nagbabadya niyang luha, sa kadahilanang hindi na naman siya pinatatahimik ng mga salitang hindi niya inakalang masasabi sa kanya.
Habol hininga na rin siya na animo'y isa siyang atletang nakipaghabulan sa isang paligsahan. Mas binilisan niya ang lakad dahil sabik na sabik na siyang makarating sa kanilang bahay at makapasok sa kanyang kwarto at doon ilabas lahat ng sama ng loob at sakit na kinikimkim niya.
Kakatapos lamang ng pasok nila Alicia. Pang-umaga ang schedule niya kaya naman pagkatapos na pagkatapos ng last period niya ay dali-dali na agad siyang umalis at naglakad pauwi ng kanilang bahay. Walking distance lamang naman ito kung kaya't hindi na siya nag-atubiling sumakay pa.
Mag-isa siyang naglalakad sa kantong iyon habang nakahawak siya sa strap ng kanyang bag at tila wala na siyang naririnig sa paligid dahil sa mga masasakit na salitang tumatakbo sa kanyang isipan.
Hindi na niya napansin ang dalawang lalaking kanina pa umaaligid sa kaniya na para bang humahanap lamang ng tyempo para siya ay makuha.
Nang mapatapat sila sa daang walang katao-tao ay agad nilang hinablot si Alicia at matapos ng ilang minuto ay isang Van ang huminto sa harapan nila at isinakay siya ng dalawang taong biglang sumugod sa kanya.
Hindi nanlaban si Alicia, sa halip, tahimik lamang siya sa isang gilid hanggang may unti-unting planong namumuo sa kanyang isipan na naging dahilan upang mamutawi sa kanyang labi ang isang ngisi.
Alicia's pov
Eto na ba? Mamamatay na ba ako? Mawawalan na ng perwisyo sa buhay nila.
"Ate, tulungan niyo po kami. Ayaw pa po naming mamatay." Sht. Ayoko ng may umiiyak.
Napaikot yung tingin ko sa loob ng van, ang daming bata. Yung iba, walang malay at yung iba naman halatang kanina pang umiiyak. Halos lahat sila gustong humingi ng tulong at tinatawag ang mga magulang nila. Pero bukod sa mga bata ay may ilan ding sa tingin ko ay kasing edad ko.
"Magsitahimik nga kayo! Ang iingay niyo." Sigaw nung isang lalaki na may hawak ng baril.
Pero sa halip na tumahimik yung mga bata dito ay lalo silang natakot at mas lumakas pa ang mga iyak nila. Halatang halatang napipikon na yung mga dumukot sa amin, sht. Kailangan kong gumawa ng paraan, baka kung anong gawin ng mga 'to sa mga bata.
"Shh, tahan na kayo." Pilit na pagpapatahan ko sa ibang batang nandito. Tahimik na umiiyak yung mga kasing edad ko pero nakigaya sila sa'kin na magpatahan ng mga bata.
Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nasa sasakyan na'to pero narinig ko sa kanila na papunta na daw kami sa kung nasaan yung iba pang bata. Ako na ata ang pinakahuli sa balak nilang kuhanin ngayong araw.
Maya-maya ay tumigil ang van sa isang lumang factory? Ewan ko. Basta parang gano'n yung itsura niya. Pilit kaming pinalabas lahat sa sasakyan at pinapasok sa loob ng building na ito.
BINABASA MO ANG
Captured
General FictionFiction. "Atleast before I leave, I did something to be proud of, right?" - Alicia Berlin, 17. Time of death: 12:10 pm