Chapter 1: Welcome to HELL??

10 0 3
                                    

           Galing akong labas, sumama sa barkada ko. Naglalakad ako pauwi nang maramdaman kong umambon, mukhang may masamang mangyayari. Bumuhos na ng malakas, tumakbo ako pauwi at napatigil ako sa harap ng bahay. Basang-basa na ako, narinig ko si mama na may kausap.

            "Mukhang hindi ko na kayang paaralin si Kiro! Lagi na lang mababa yung mga marka nya! Hindi nya ba seneseryoso ang pag-aaral? Inuuna nya pa ang barkada! Eh, hindi nya ako magawang tulungan eh! Mayaman nga kami pero pariwala lang sya! Pag hindi pa sya tumino sa pag transfer nya sa Aprestincee High, papatigilin ko na sya sa pag-aaral. Papabayaan kong ubusin nya ang pera namin!"

          Nang marinig ko yun, ang alam ko na lang na sumunod ay nakaupo na ako sa daan. Hindi ko nga rin alm kung umiiyak ba ako. Ang alam ko lang ay tama si mama at wala akong kwenta. Nakaupo ako doon na umiiyak ng ilang mga minuto. Tapos pumasok na ako,

           "O, anak. Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni mama."Basang-basa ka ha?"

            "Opo, lumabas lang ako sandali." Tapos pumasok na at umakyat na ako sa kuwarto ko. Naligo ako at nagbihis. Bumaba na ako at pumunta sa kusina. Kumain na kami,

        "Kiro, gusto kong sabihin na—" bago nya pa ituloy, pinutol ko na sya.

         "Oo, lilipat na ako sa Aprestincee High. Dahil hindi naman ako nagseseryoso. Dahil hindi naman kita magawang tulungan ni hindi sumama sa barkada. Dahil pariwara ako diba?" Nagulat na lang sya sa sinabi ko.

          "Narinig mo yon??"

          "Oo at tsaka nawalan na ako ng gana. Salamat sa pagkain." At umakyat na ako. Humiga na lang ako sa kama at umiyak. Gusto ko lang naman sumaya, pero bakit puro lungkot lang din naman nararamdaman ko? Piling ko wala na talaga akong halaga. May nagtext sa cellphone ko,

APRESTINCEE HIGH
-Hi here's your coordinates to go here(Image attached)

Sa lahat ng school, isa lang talaga ang naging friend ko, si Kirito. Naging kaibigan ko sya for 1 year pero sa huli, wala iniwan nya rin ako. Hanggang sa nakatulog na ako.

-Time Skip-

      Nakaupo na ako sa Ferrari Porsche ko at handa ng umalis,

        "Bye, anak—" di ko na sya pinatapos at humarurot na ako paalis. Alam kong pagod na si mama, ako rin. Mahal ko sya pero di ko matanggap na parang itatakwil nya ako. In-on ko na yung GPS at sinundan yung daan na sinasabi dun sa text.

-Time Skip-

       Sinasabi ng GPS na andito na ako, pero bakt parang pamilyar? Teka, ah!! Ang sakit ng ulo ko! Naalala ko na.

*********
End Of Chapter

A/n: Guys first chapter palang po ito wahh!!! Subaybayan nyo lang po ito!! Labyu!! Saranghae!!!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 03, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Aprestincee HighWhere stories live. Discover now