IVELA | 1

139 7 0
                                    

Moris Martinez:
Hoy! Alam mo ba yung app?

Elowen Zubizarreta:
Alam mo naman na hindi ako gumagamit ng dating apps.

Moris Martinez:
Gaga. Di na ako naggaganon.

Moris Martinez:
May nagsend sa akin ng link kanina sa app. Ivela daw pangalan non.

Elowen Zubizarreta:
Anong app na naman ba 'yan?

Moris Martinez:
May nagsabi sa akin na app daw siya na gumagawa ng problema.

Elowen Zubizarreta:
Huh??? Wdym

Moris Martinez:
Buksan mo na kasi ang hotspot mo para ma-download ko na.

Elowen Zubizarreta:

Napakademanding mo talaga. Ikaw na nga 'tong ko-connect sakin.

Moris Martinez:
Ito porket mayaman sa data, ipinagdadamot na.

Elowen Zubizarreta:
Ido-download mo talaga yan? Pano kung may virus?

Elowen Zubizarreta:
Saka pano kung porn yan???

Moris Martinez:

Edi mas maganda! 

Moris Martinez: 

Charot. Bahala na nga. Curious na ako sa mga chika sa school.

Moris Martinez:
PARANG AWA MO NA BOWEEEEE

Elowen Zubizarreta:
Bukas na yung hotspot ko. Connect ka na.

Moris Martinez:
THANK YOU TALAGA. MWAHHH!!

Elowen Zubizarreta:
Yuck.

IVELAWhere stories live. Discover now