IVELA | 3

73 6 0
                                    

Elowen Zubizarreta:
'Di ba nakwento mo sa akin yung tungkol sa Ivela ba 'yun?

Moris Martinez:
Baket?

Moris Martinez:
Duket.

Moris Martinez:
Pwet mong may racket

Moris Martinez:
Charot.

Moris Martinez:
Chacket

Elowen Zubizarreta:
Na-try mo na ba 'yun?

Moris Martinez:
Alin yung chacket? Syempre. Ginagamit 'yon kapag nilalamig ka eh.

Elowen Zubizarreta:
Isa pa. Hahampasin kita pagbalik mong CR.

Elowen Zubizarreta:
Chika-chika ka pa diyan sa CR, hinahanap ka na ni Ma'am

Moris Martinez:
Ito na nga babalik na. Sasabihin ko na lang sumakit tiyan ko.

Moris Martinez:
Hindi pa. Natatakot ako baka kapag ginamit ko 'yun, may ilalabas din tungkol sa akin.

Elowen Zubizarreta:
Bakit? May tinatago ka ba?

Moris Martinez:
Wala naman. Hindi ko lang gusto yung feeling.

Elowen Zubizarreta:
May nagsend rin sa akin ng link kagabi.

Moris Martinez:
Yuck!! Ano ka ba Bowe? Kababae mong tao may naka save kang link??

Elowen Zubizarreta:
Gaga! Nung app kasi! Sinendan kasi ako ni Brace kagabi. Natatakot din akong buksan HAHAHAHA

Elowen Zubizarreta:
Ikaw nga mauna. Hahanapan kita ng jowa kapag ginawa mo.

Moris Martinez:
Ayan na nga po. Installing na.

Elowen Zubizarreta:
Nabuksan mo na? Anong meron?

Moris Martinez sent a photo.

Moris Martinez:
Wala siyang log-in pero kailangan mong ilagay yung ID number mo then okay na.

Elowen Zubizarreta:
'Yun lang? Installing na din sa akin.

Moris Martinez:
Talk to u later. Magbabasa muna ako ng chika ritooooo

Elowen Zubizarreta:
Akala ko ba babalik ka na sa room??

Elowen Zubizarreta:
Sa banyo ka talaga magbabasa???

Moris Martinez:
Mas dama mo ang chika kapag sa banyo ka magbabasa.

Moris Martinez:
Baka gusto mong sumama dito. Hang-out tayo sa banyo :D

Elowen Zubizarreta:
Kadiri ka talaga

You are offline.

IVELAWhere stories live. Discover now