"Picture"

13 0 0
                                    

Allison's Pov

After ng nangyari, hindi muna ako umuwi samin nandito lang ako kina Mommy La. Kase pag andito ako feel ko sobrang halaga ko, si Mommy La ang nagiisang taong nakakaintindi saken, kung pwede lang humiling winiswish ko na sana si Mommy La nalang ang naging parent ko why not naman diba.

"Allison?" Katok ni Mommy La sa kwarto ko
Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto

"Goodmorning Mommy La, baket po"
Tanong ko pagkatapos kong halikan ang pisngi niya
Pinanood ko siyang dumretso sa kama ko at umupo sabay kalkal sa mga photo albums na nandoon

"Come hija upo ka sa tabi ni Lola" lumapit naman ako at pinanood kong tignan niya ang mga bawat litrato

"Ayaw mo pa ba umuwi sainyo?Alli? Hailey is missing you already anak" panimula ni Lola

"How about Mom and Dad? I bet hindi man lang nila tinanong kung kamusta ako, Two weeks na akong nandito Mommy La, kahit tawag man lang wala akong natanggap mula sakanila." Hinawakan ni Lola ang kamay ko

"Allison anak, lagi ko naman sinasabi sayo diba? Intindihin mo nalang ang Mom and Dad mo, after all lahat ng mga ginagawa nila para sainyo din naman, never ka naman nila pinabayaan, all of your needs and wants nakukuha mo naman diba apo?"

"Mommy La, hindi ko kailangan ang mga yon, ang kailangan ko sila. Yung presence nila, yung support nila, not those stupid expensive things. I want to feel their love towards on me, hindi puro kay ate nalang." Tinignan nalang ako ni Lola at niyakap ng sobrang higpit

"Always remember Allison, Mommy La is always here for you, Lola will always be proud of you," she whispered

"Hahaha we are being so emotional na apo,"

sabay punas na luha niya, tinignan ko lang siya at ngumiti. I love this woman so much at hindi ko kakayanin pag siya ang nawala sa buhay ko.

" Tara na Mommy La, let's eat gutom na po ako" sabay kaming bumaba ng hagdan out of nowhere bigla siyang napakapit sakin

"Mommy La? Are you okay? masama ba pakiramdam mo?" Natatarantang tanong ko

"Hahaha no apo na out of balance lang ako, don't worry I'm fine, tara na kumain"  pagkatapos namin kumain ni Lola ay dumeretso na siya sa kwarto niya, naligo naman ako  at uuwi muna para puntahan si Hailey.

"Atee!!" Yakap saken ni Hailey. " I miss you, baket kase hindi kapa umuuwi eh". Tinawanan ko nalang ang kapatid ko saka siya binuhat. Hailey is 4 years old palang pero parang 15 na kung magisip, matanda na kung maka attitude. Hahahahahhaha but i love her so much kahit bata palang siya she knows how to comfort me at she even defend me pa kina Mom and Dad. What a lawyer indeed hahahahhaha.

"Ate?galit kapa kay Mom tsaka Dad? wag ka magagalit sakanila ha? Love ka nila" sabay kiss saken ngumiti

"Ofcourse baby, ate will never be mad at them okay?" Ngumiti ako at hinaplos ang buhok niya

"Wow very good!!" Sabay kaming tumawa at nakipagkulitan sakanya, habang nagkukulitan kami sa hindi sinasadya natabig ni Hailey ang picture frame sa tabi ng mga vase, picture namen magkakapatid kasama si Mommy La.

"Ate, sorry di ko sadya atee"
pagiyak niyaa, hindi ko maasikaso ng maayos dahil kung may anong kaba akong naramdaman sa dibdib ko.

"Ano nangyare Hailey?" Pagtanong ni manang sabay layo kayo kay Hailey sa nabasag para hindi ito masugatan.

"Eh kas~~ee *sniff* garalgal na iyak ng kapatid ko " me and ate po manang are playing *sniff* ".

"Natabig niya lang yung picture manang, ako na po diyan baka masugat pa po kayo" pagkuha ko sa walis at inalis ang mga bubog.

Sa kakaiyak ni Hailey, nakatulog ito sa sofa, tumabi ako sa kapatid ko, at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Bigla akong napaisip baket pano nabasag ng ganon ang picture. Ang weird, sa kakaisip ko di ko namalayan na nakatulog naden ako.

Nagising ako sa mga boses ng mga kasama ko na natataranta

"Ate? What's going on?"  Tanong ko kay ate Hazel na ngayon ay nakatulalang nakaharap sakin.

Tumakbo siya sa akin at yinakap ako ng mahigpit

"Alli *sniff* Alli Mommy La is gone, nakita siya sa kwarto niya kanina, wala ng hininga" Paghagulgol ni ate sa balikat ko

Nagulat ako at hindi ko ma proseso sa sistema ko ang nangyayari, nakikita ko sina Mom and Dad na aligagang tawagan ang mga tito at tita ko

"How? Pano nangyare yon? Kasama ko palang kanina si Mommy La, this is just a joke. Hindi mangyayare kay Mommy La yon"

Dali dali akong lumabas sa bahay at sumakay sa kotse

"Allison, anak san ka pupunta!!?"

Pahabol na sigaw ni Mom saken, hindi ko na siya pinansin at mabilis akong sumakay sa kotse at pinaharurot na ito..

Ang daming tumatakbo sa isip ko, yung paguusap namin ni Mommy La kanina, yung bigla niya pagkahilo kanina sa hagdan, yung nabasag na picture frame kanina. Is that a sign oh no no hindi, maling balita lang yon hindi pa aalis si Mommy La hindi niya ako iiwan. Sabay punas sa mga luha ko..

Pagdating ko palang sa gate ang dami ng tao sa harap ng bahay ni Mommy La, lahat ng ilaw nakabukas, andito den ang mga kotse ng mga tito at tita ko, napahawak ako ng mahigpit sa manubela, hindi mali tong iniisip ko, mabilis akong lumabas sa kotse na dali daling tumakbo papasok ng bahay ni Mommy La, pagpasok ko nabibingi ako nabibingi ako sa mga hagulgol nila pinilit kong pumasok sa kwarto ni Mommy La kahit pilit akong hinihila ng aking mga pinsan.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang tumambad sakin ang pinakamamahal kong Mommy La, "Time of Death, 10:00 pm " pagsabi ng Doctor, bigla nalang akong napaluhod at tuluyang bumagsak ang mga luha ko, hindi pwede, hindi mangyayari yon.

"Mommy La, wake up please, Doc i revive niyo Lola ko, Doc please hindi totoo to hindii pwede, Mommy La nooo!!"

Pagiiyak ko sa harap ni Mommy La at sabay ng pagmamakaawa ko sa Doctor.

Ang ka isa isang taong kakampi ko sa lahat, andito ngayon sa harap ko mahimbing nang natutulog ng may payapang ngiti sa kanyang mga labi.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

240 HoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon