Prologue

80 1 0
                                    

Note: Ram's story will be a different one para maiba lang. Tutal mas bata naman siya. Haha.

Enjoy reading :)

---

MAAGANG nagising si Isabel. Nag luto muna siya ng siningag at pritong itlog na sinabayan niya ng mainit-init na gatas. Maya-maya pa'y nag tungo sa banyo at naligo ng mabilis.

"Ate?" Pupungas pungas na wika ng batang lalaki na ngayo'y gising na. Eksakto naman pag labas niya sa banyo.

"Good morning sa baby namin!" Masigla niyang wika sabay patakbong niyakap ang kaniyang kapatid.

"Mukhang masiglang-masigla ka ah."

"Good morning, uncle!" Bati niya sa may edad na lalaking naupo na sa harap ng hapag.

"Maganda ata ang gising mo, Isabel?"

"Ay, opo uncle. Ngayong araw po kasi ang luwas ko pa-Maynila."

"Ngayon ka ba mag uumpisa mag trabaho?"

"Opo." Ngiting-ngiti na inayos niya ang kaniyang buhok sa harap ng salamin.

"Ate, babalik ka naman po, 'di ba?" Ani ng kaniyang kapatid na pitong taong gulang.

Ngumiti siya at ginulo ang buhok nito. "Aba, syempre. Hindi ata makakatiis si ate na hindi ka makakasama." Ngumiti naman ang bata at umupo na sa harap ng hapag.

***

"Mag iingat ka doon, Isabel." Paalala sa kaniya ng kaniyang uncle. "Tumawag ka na lamang sa amin, ha?"

"Opo, uncle." Niyakap niya ito. Saka hinarap ang kapatid. "Papakabait ka dito ha? Huwag mong pasasakitin ang ulo ni uncle."

"Opo, ate." Ani batang lalaki at ginantihan siya ng yakap.

Maya-maya pa'y sumakay na siya ng bus papuntang Maynila. Wala man siyang kasiguraduhan sa mga mangyayari ay baon niya ang pag asang maitatawid niya sa kahirapan ang kaniyang kapatid at uncle na siyang nag alaga sa kanila mula nang mawala ang kanilang mga magulang.

Her Dangerous CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon