Chapter One

36 1 0
                                    

Loading... 74%

"Sh*t." Mariing napapikit si Ram sa tagal ng paglo-load ng kaniyang computer. Ina-upload kasi niya ang manuscript niya online ngunit napakatagal na niyang nakatanga sa screen.

Napasandal siya sa upuan. Medyo sumasakit na rin kasi ang sentido niya. Deadline na kasi ng pasahan ng manuscript at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapasa.

He's a manga artist. Iyon na ang kaniyang naging trabaho since he's been hiding from the public. Madalas na fantasy o horror ang genre na kaniyang ginagawa dahil lagi siyang pumapalpak sa romance.

Wala raw kasing damdamin ang mga karakter na isinusulat niya.  Wala rin naman kasi siyang alam tungkol sa pakikipag date o pakikipag relasyon sa babae. Unlike his brothers, he's so reserved and contented of living alone inside his room.

Is he really contented?

"Ramon!"

Napabalikwas siya mula sa pag iisip nang marinig niya ang boses ng kaniyang daddy. He really doesn't like his name. Makaluma.

"Yes, dad?"

"Lumabas ka muna riyan at may ipapagawa ako sa'yo." anito at umalis na sa pintuan. He's watching him through his CCTV camera.

Bago siya lumabas ay isinuot muna niya ang kaniyang black gloves at black hoodie. Isinabay na niya ang kaniyang black mask.

Nakasalubong pa niya ang kaniyang kuya Sandro na nanggaling sa kwarto nito malapit sa kaniya.

"Hey, how's your script?" Nakangiting tanong ng kuya niya.

"Malapit ng matapos." Aniya.

Mas gusto niyang katabi ng kwarto ang kuya Sandro niya kaysa kay Alex. Mas tahimik kasi si Sandro at madalas na wala sa kwarto nito. Unlike his kuya Alex na ang ingay na ang daldal pa. Si Darlo naman ay hindi na naninirahan sa kanilang mansyon since may sarili na itong pamilya. He's happy with his wife and his kids.

Wife and kids...

"Good morning mga bebe!"

"Ugh.. Alex you're so loud." Iritableng wika ni Sandro habang pababa sila ng hagdan.

"Let us start our day happy and alive! Huwag ka ngang sumimangot d'yan na para kang nagluluksa." Anito sabay hampas sa pwet ni Sandro.

Ikinainis naman ito ng kuya Sandro niya at nag habulan sila pababa ng hagdan. Napapailing na lamang siya habang pinagmamasdan ang dalawang nakatatandang kapatid. They are all grown ups but still a child at heart.

"Ram! Come here." Nakangiting wika ng kaniyang mommy. Lumapit naman siya dito at nakita ang kaniyang mga pamangkin.

"Tito Ram!" Tumakbo palapit sa kaniya ang dalawang bata.

Masayang niyang niyakap ang dalawa.

"Ipapakiusap ko sanang ipasyal mo muna sina Darren." Ani mommy niya. "May pupuntahan kasi kami ng daddy mo ngayon. Check up namin. Walang magbabantay sa kanila dahil ang kuya Darlo mo at ate Via ay nasa business trip."

"Its okay, mom. I understand." Gusto rin naman niyang makasama ang dalawang cute na bata.

"And nga pala, Ram," pahabol pa nito. "Ngayon 'yung dating ng bagong personal maid mo. Ikaw na ang bahala sa kaniya, okay?"

Nakalimutan niyang hindi na mananatili ang yaya Laila niya dahil sa katandaan nito. Noong isang linggo ay umalis na ito at umuwi na ng probinsya. He loves his yaya pero hindi naman ito pwedeng manatili sa kanila habang buhay. Isa pa, may sakit ito at kailangan ang pamilya.

Who's the new yaya, then? I just hope she's like yaya Laila...

***

NANLAKI ang mga mata ni Jana nang mapatapat siya sa malaking gate na ngayon ay bago na niyang tahanan. Siya kasi ang papalit sa tiyahin niyang may sakit.

Pinindot niya ang maliit na doorbell at biglang may nag salita sa maliit na speaker na katabi niyon.

"Ano ho ang kailangan ninyo?"

"Ako po si Jana Torres. Ako po 'yung bagong yaya." Masigla niyang sambit.

"Sandali lang, iha." Ani lalaki sa intercom at biglang bumukas ang malaking gate at tumambad sa kaniya ang malawak na loob niyon.

Mayroong malaking fountain sa gitna na tila ba may anghel na nagdadala ng paso na may lamang tubig. May mga bulaklak rin, mga rosas na iba-iba ang kulay at may malaking upuan.

"Magandang umaga po, manong." Ngiting bati niya.

"Dala mo ba iyong papeles mo, iha?" Seryosong sambit nito. Inilabas naman niya ang brown envelope na naglalaman ng mga papeles niya. Nasabi na rin kasi ito ng tiyahin nila.

Pinaghintay siya saglit ng guwardiya. Ikukumpirma muna nito ang papeles sa magiging amo niya. Malamang na mahigpit sa lugar na ito dahil napaka laki ng tahanan nila. Mayaman ang mga tao dito.

"Okay na, iha." Sabi nito at iniabot ang papeles niya. "Doon ang maid's quarter." Itinuro nito ang puting bahay na malapit sa gate. "Doon mo dalhin ang mga gamit mo. Wala ngayon ang mag asawa kaya mamaya ka pa nila makakausap. Sa ngayon, hanapin mo si Senaida. Iyong mayordoma ng bahay. Siya ang nakakaalam ng mga gagawin mo."

"Opo, manong. Maraming salamat po." Aniya at magiliw na nagpaalam sa lalaki. Dumiretso muna siya sa maid's quarter at inayos ang mga gamit. Pagkatapos ay nag tungo na sa malaking bahay.

Bago pa man siya makapasok sa loob ay nag aabang na sa kaniya ang may edad na babaeng nakasuot ng pormal na damit. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

"M-magandang umaga po. Ako po si--"

"Hindi mo kailangan maging pormal, ineng." Anito at pinutol ang sasabihin niya. "Kanina pa kita hinihintay."

"Ah, ano pong--"

Natigilan nanaman siya dahil kumapit ito sa kaniyang braso at tila ba tuwang tuwa sa pagdating niya.

"Nako! Buti na lang talaga dumating ka na. Sobrang stress na stress ako sa batang iyon!" Anito at pakaladkad siyang dinala sa kusina.

Naroon ang ilan pang maids na nagkukumpulan sa sulok.

"Ay! Siya na ba 'yung papalit na yaya?"

"E, ke bata pa niyan."

"Tamang-tama lang siya para kay senyorito. Mas mabilis siyang kumilos kaysa sa atin na matatanda na."

Lumapit sa kaniya ang mga katulong at kung ano ano ang mga sinasabi ng mga ito. Hindi naman niya maintindihan dahil sabay sabay ang mga ito.

Isa lang ang kapansin-pansin, wala siyang ka-edad sa bahay na ito. Puro matatanda sa kaniya ang mga babae at may mga pamilya na. Iyong iba kasama ng mayordoma ay may apo na.

"Lolita."

Natigilan silang lahat nang may baritonong boses na nag salita mula sa kanilang likuran. Sabay-sabay at dahan dahang lumingon ang mga katulong. Maging siya.

"Iwanan mo sa labas ng kwarto iyong lunch ko. Five minutes." Matapos niyon ay umalis na ang lalaki.

"Juice colored! May sapi nanaman ang magiging alaga mo, Jana." Ani ng mayordoma na hawak hawak ang noo nito.

"Siya po ba iyong Ramon?" Tanong niya.

"Siya na nga."

♥♥♥

♥♥♥

♥♥♥

Mr. Night

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 31, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Dangerous CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon