Pride: Doctors series

250 3 0
                                    

Hi! Can I ask for your opinion guys? If may need baguhin or okay lang? Thank you in advance!

----

It's another toxic day here at the Emergency Room. Sa halos isang linggo ko na dito sa departmento na 'to ay parang hindi pa din ako nasasanay. This is really hard. Lalo na kapag 24 hours duty ka at sa ER ka lamang nakadestino.

Magulo, masikip, maingay. Unang tingin pa lamang ay alam mo na kaagad kung ano ito. This is what public hospital emergency room look like. Dito dinadala ang halos lahat ng emergency patient, of course, what's the use of the word "Emergency" right?

Malapit ng matapos ang shift ko, dalawang oras na lang at makakauwi na ako para makaligo, makakain at makatulog. Ugh, sleep is life. I don't actually need to eat. All I need is to wash before going to bed, because even if I'm too tired to do so, I needed it. Hindi sa nagiinarte o ano. Ito ang pinili kong propesyon kaya wala sa bokabularyo ko ang ganoon, but hospital is an infectious place. We all know that. So I still need to wash up because if ever na madapuan ako ng sakit, paano ko sila tutulungan para gumaling, hindi ba?

Nilapitan ko ang isang lalaki na nakawheel chair. Mas magulo ngayong araw dahil may aksidenteng naganap malapit lang dito kaya dito na nila idineretso amg mga apektado. I checked him and did asked some questions before jumping into another patient. We needed to move fast because all of these people going in here need assistance about their health status.

Lumapit ako sa isang bata, siguro ay edad walo hanggang sampu. Mayroon siyang mga sugat sa braso at maging galos sa mukha. Other than that mukhang okay naman siya but I still need to check dahil hindi tayo sigurado if may internal bleeding ba which is I pray na sana wala naman. While checking on her, I also started to ask questions.

"What's your name little girl?" I asked, she looked at me and smiled a little. It made me stunn a bit. How could this little girl smile despite of all that happens to her? I couldn't help but smile too. Napakainosente..

Bigla ko tuloy naalala si Mama at Jelai. Ganitong ganito din sila, kahit sobrang sakit na ng mga nangyayari, ngingiti at ngingiti sila kahit sa maliit na bagay lang. At siguro ay nakuha ko yon, kaya ganito ako kababaw.

"Alliyah po.. Shaina Alliyah.."

"You're so beautiful, just like your name." I said. And checked her back. Bahagya siyang dumaing kaya itinanong ko kung masakit ba sa banda roon at tumango naman siya.

I told the nurse that the girl don't have internal bleeding, pero may ilang bone fractures ito kaya kailangan siyang ipaxray.

Humarap ako sa guardian, maybe it's her parents. May mga sugat din sila pero para bang wala silang nararamdamang kahit anong sakit sa katawan. Tanging pag-aalala lamang sa mga mukha nila ang makikita mo.

"Nilalagnat po ba siya?"

Wala talagang katumbas ang pagmamahal ng mga magulang. They will do anything for their children to survive this harsh life..

"Hindi po.. Pero matapos po yung aksidente ay sobrang init niya na po." I nodded.

Humarap ulit ako sa nurse na kasama ko. I told her to request a laboratory tests for the patient to check her cbc and other chem tests to make sure of her condition. Noong okay na ay nagpaalam na ako ulit para tingnan ang iba pang pasyente noong may biglang pumasok ulit sa loob ng ER. Nakastretcher ito at mukhang malubha ang lagay. There's--- I think a doctor doing CPR to the patient. Inilibot ko ang paningin ko at lahat ay busy sa ginagawa.

"Jon, ikaw na muna ang bahala sa pasyente. Pupuntahan ko muna iyong bagong dating." sabu ko sa nurse na nag aassist sa akin. Tumango naman ito.

Nilapitan ko iyong stretcher, puno ng dugo iyong lalaki at mukhang sa lahat ng nandidito ay siya ang pinakanapuruhan.

"How long does the patient loss consciousness?" I asked the nurse in charge. I also asked for the identification of the patient and checked his condition.

Patuloy ako sa pag-alam ng kondisyon ng pasyente kaya hindi ko napansin na tapos na ang doctor sa ginagawa niya. Bumaba ito sa stretcher atsaka nagsalita.

"Head, neck and back injuries. There are some broken bones too. We need to do a CT scan, Xray, and laboratory tests and bring him to the operating room." Natigil ako sa pagsusulat at napatingin sa kanya. Napatigil ito saglit sa pagsasalita noong magkatinginan kami. Maybe like me, he didn't expect to see me here...

Biglang nanikip ang dibdib ko, parang bumalik lahat ng hirap na dinanas namin noon.. Saglit lamang siyang natigilan atsaka itinuloy ang mga dapat sabihin. He look so professional. Sobrang daming nagbagonsa itsura niya, iyong brown na buhok niya noon ay itim na itim na ngayon na mas lalong bumagay sa kanya. And I'm so happy to see him successful. Ang alam ko ay kakapasa niya pa lamang at isa siya sa mga topnotcher ng batch ngayon. Yeah, he's really good. I don't doubt that. Well, I once did when we were classmates in one subject back then.

How I miss this guy, his scent, his voice, his face... Gusto ko ulit siyang mahawakan, ang tagal kong nagtiis na huwag siyang harapin, pero kahit gaano ko pa siya kagustong makita hindi ko pa din inaasahan na magkikita kami sa ganitong pagkakataon.

Matapos kong maisulat at maisaulo ang lahat ng bilin niya na dapat gawin ay ipinahanda niya na din ang OR. Hindi niya na ako ulit nilingon at naging abala na sa ibang doctor na mukhang kakilala niya. Sumakit nanaman ang dibdib ko. Anna tigilan mo na yan, wala ng kayo. You broke him remember? So don't you dare hope for a comeback!

Kailangang maoperahan kaagad ng pasyente dahil malala ang lagay nito. Kaya nagpunta kaagad akonsa laboratory para iinform sila sa lab tests na need gawin sa patient, pinuntahan ko na lamang din ang ibang department dahil hindi ko pa kayang magstay sa iisang lugar kasama siya..

Ngayon ko lang napagdikit dikit, yung usapan ng mga kasamahan kong clerk at mga seniors namin. Iyong sinasabi nilang matalino na gwapo pa, bakit hindi ko naisip na maaaring siya yon!? Ugh!

I prepared for the operation, I'll be assisting him since I'm the only one available at ako din naman ang dumalo kanina. I was about to enter the room when I suddenly bump into him.

"Long time." He said. Nanigas ako. Hindi ko alam kung ako lang, pero ramdam ko ang coldness sa boses nito. Well, I understand... I chose to leave him...

He's now washing his hands and preparing to enter too.

"Yeah... it's nice to see you again." Ngumiti ako kahit na hindi niya naman nakikita.

"How have you been?" napabuntong hininga ako. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nasabi ko na iyon. We need to go to the operating room quickly. His patient is waiting and this is urgent. Hindi kami dapat nag uusap ng personal na bagay kapag oras ng trabaho. But I can't help, I really missed him.

"I'm sorry, but with all due respect, we still have a patient and it's still working hours. We should not do the catching up when we're working." nakaharap na siya sa akin ngayon. Ngayong nakaharap na siya sa akin ay kitang kita ko ang galit sa mga mata niya. You still mad at me huh? You still can't forgive me..

"So if you'll excuse me.."

Natahimik ako at tumango na lamang bago tumabi para makadaan na siya. Shit. Ang sakit pa din pala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Quotes & Advices!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon