Advice

5.9K 75 11
                                    

Hello ate :) Omyghaaaaaaaad Sorry sa sobrang late huhu dami kasing ginagawa eh pero kahit late ko na to mapopost sana basahin mo pa din :)

Sabi mo ayaw mong nakikipag usap sa parents or kahit sino sa mga Kamag anak mo diba? Yeah I found it weird, pero may mga tao naman talagang ganyan, kumbaga gustong mapag-isa palagi. I mean yun bang ayaw mong nakikisama sa mga parents or kahit sa mga kamag-anak mo. May Kilala din akong ganyan, Tapos sabi mo gusto nilang pag-aralin ka sa lugar na ayaw mo naman? Kung ako kasi yung nasa pwesto mo ang gagawin ko sasabihin ko sa kanilang ayaw ko dun, I mean kahit magalit pa sila or what sasabihin ko pa ding ayaw ko dun, Kasi diba parang sayang lang din, pag-aaralin ka nila sa isang school na ayaw mo namana? Di ka mag eenjoy kaya baka may posibilidad pa na magloko ka lang imbis na mag-aral. Tsaka sabihin mo din na hwag silang mag expect ng sobrang taas sayo, Kasi kapag nagpatuloy yung expectations nila ikaw din ang kawawa bandang huli, ikaw din mapapagalitan diba? Kaya kahit na hindi ka magaling makipag-usap sa kanila dapat try mo pa din best mo, kasi kung ayaw mo talaga sa school na yun pero hindi ka naman nagsasalita wala din.



Quotes & Advices!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon