Saturday
sabado ngayon first practice ko at first ko rin makakapunta sa bahay ni coachhiningi ko sa isa sa mga kaklase ko ang adress ng bahay nya.
nagtrisycle ako papunta sa bahay nya "manong bayad po" at bumaba na ako . tumamban naman sa harapan ko ang mala-mansion na bahay. teka dito ba tlga sya nakatira baka niloko lng ako ng classmate ko. hayyy magdodoorbell na lng ako para sigurado.
dingdong~~
may yaya naman na nagbukas ng gate paano ko nalaman na katulong? syempre nakamaid outfir eh 'Sosyal'
"ahh mam pasok po kayo hinihintay na kayo ni sir Lyndon sa sala" -yaya
"Dorothy nalang po :]"-ako. at pumasok na ako sa loob
grabeh mas maganda pa pala sa loob WOW!!!
"hoy Dora tutulo na ang laway mo kakanganga dyan"-sya
"hoy ka rin. Dorothy po pangalan ko ser hindi po Dora"- ako .
"jeez hindi ako makapaniwala na papapuntahin ko ang babaeng to sa bahay ko para walang makakita na ginagawa ko to sa school." -sya. hindi ko masyadong narinig yung sinabi nya na yun ang hina eh
"sir eto na po" may ibinigay yung babae kay Lyndon na nakatiklop na telang puti ,damit yata yun.
"uumpisahan ko na ang pagturo sayo ng dapat mong gawin para mapansin ka at mahulog ang kalooban ni Blake sayo" -sya
OMG! nai-imagine ko na magmumukaha akong prinsesa at lahat ng lalaki mahuhulog sakin especially Blake my love but except for Lyndon hehehe.. hayy sarap mag-daydreaming.
"oh suotin mo to"- sya. hinagis nya sa akin yung hawak hawak nya kaninang tela at sinalo ko naman. inalis ko sya sa pagkatiklop at---
"APRON?????" -ako o.O
"naisip ko kasi na kailangan mong matutong magluto ng mga pagkain tulad ng mga ito" at may sinerve yung isa sa mga katulong nila na pagkain. sa itsura palang nakakagutom na.
"sinasabi mo ba na magluto ako ng ganitong pagkain istura palang masarap na ha?! " reklamo ko, hindi kaya ako marunong magluto ng kahit ano. mag-prito nga natututong ko pa. >o<
"sabi nga 'the way through man's heart is in his stomach' so today's lesson is 'THE ART OF CUISINE' "