PROLOGUE
Noong bata ako, kapag umiiyak ako nilalakasan ko para marinig ng iba. Pero ngayong binata na ako, hinihinaan ko at itinatago dahil ayokong malaman nila na nasasaktan ako.
Hindi ko akalain dadating ako sa ganitong punto ng buhay ko. Yung feeling ko na ayoko nalang gumalaw sa isang tabi.
Kung masakit nung iwan ako ng first love ko, mas masakit nung iwan nya ako... dahil sa kalokohan ko.
Kayo? Naniniwala ba kayo na sa kasabihang "Promises are made to be broken"? Ako kasi medyo lang. Para sakin, nabebreak ang promise sayo ng isang tao dahil may panibagong darating na tutupad nun para sayo.
Pero kung naniniwala kayo diyan, naniniwala din ba kayo sa first love never dies? Well ako hindi. Instead, naniniwala ako sa Love is much sweeter the second time around.
Ako nga pala si CE. Short for Clarence Edward. Yung CE? Sya ang nagpangalan sakin nun. Paano ko nga ba sya nakilala? Lemme reminisce.
BINABASA MO ANG
"THE PROMISE"
Teen FictionYung feeling mo wala na? Kasi iniwan ka na nya? Pero paano mo nga ba sya mapapabalik sayo kung ikaw mismo ang nanakit sakanya? Susukuan mo nalang ba sya? O, ipaglalaban mo pa hanggang sa huli?