CHAPTER 7: PANUNUYO

33 2 0
                                    

“THE PROMISE”

CHAPTER 7: PANUNUYO

Edward’s POV

“Uy kapatid! Nasaan ka na ba? Andito na ko sa park malapit sa bahay nyo e. Kanina pa ko dito no!” sabi ko kay Lakshmie. Linggo na ngayon. At kakadating nila kagabi. Usapan namin magkita today e.

“Ow so sorry kapatid! Sige on the way na ko.”

Then I pressed the end button.

Maya-maya dumating na si Lakshmie. Naka-PJ’s pa tong babae na to. 7am na kaya?! May dala pang plastic bag.

“Oh kapatid. Pasalubong ko sayo.” Sabay abot sakin nung plastic.

I hugged her. Namiss ko tong babae na to.

“Eeh. Nasasakal na ko kapatid!” tulak nya sakin.

“Hahaha! Eh bakit kasi nagpamiss ka ng sobra?” sabi ko pagkakakalas sa yakap nya.

“Heller? One month lang yun no.” Umupo sya sa bench. Tinabihan ko naman sya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya. Bf-Gf thingy? Nah! Haha. Sweet lang talaga kami neto.

“May pasalubong din ako kay Clariz. Isa nga lang. Dress na kulay beige. I know bagay yun sakanya. Maputi naman yung babaita na yun e.”

Inangat ko naman ulo ko at nilingon ko sya.

“Wala na kami e.” sabi ko at napayuko.

*PAK!*

Binatukan nya ko.

“Ano?! Wala na kayo?! Waaah! Wag mo ko pinaglololoko!!” napapikit pang sabi neto. Eh? Super affected?

“Huh? Oo nga. Wala na kami. Swear.” Tinaas ko pa yung right hand ko na parang nanunumpa.

*PAK!*

Binatukan na naman ako! Aba! Nakakarami ha!

“Sana sinabi mo! Sayang lang tong dress na binili ko! Kamahal mahal pa man din nyan kala mo ba?! Tapos wala na pala kayo! Kasi naman! Waaah sayang!!” mukhang maghi-hysteria nato.

Hinawakan ko sya sa dalawang braso at niyugyog sya.

“Lakshmie, wag parang bata okay? Pera lang nawala sayo. Ako, taong mahal ko.” I looked at her straight to her eyes.

“Ha? I was just joking kapatid. Akala ko niloloko mo ko. Pero, may celphone ka naman. Nawalan ka ba ng load? Pero kahit, may landline naman kayo. Kung hindi man, may facebook, skype, YM, twitter, tumblr, Google! Waah andaming ways! Bakit hindi mo sakin sinabi? Nagskype tayo nung nasa Bohol ka pa di ba? Oh bakit hindi mo sinabi?” dami tanong arg!

“Last week lang naman e. I mean, Nung Thursday lang.” then my tears started to pour again. Naiiyak ko na to kay Xenia di ba? Eto na naman!

Niyakap ako ni Lakshmie.

“Hala. Bestfriend. Bakit hindi mo sakin sinabi? Anong nangyari?” then nanginig yung boses nya. Kaya ayaw ko magkuwento dito e. Isa pang iyakin to. Kita nyo naman, umiyak lang ako gaya-gaya umiyak na din.

Kumalas ako sa yakap nya at pinunasan ko yung tumulong luha sa mata nya.

“Nu ba Lakshmie? Wag ka nga gaya gaya. Moment ko to e. Inaagawan mo ko!” then inakbayan ko bestfriend ko at inipit ulo nya papunta sa dibdib ko.

Humagulgol naman sya. Pinalo palo nya dibdib ko.

“Ahhh kainis ka! Bakit hindi mo sakin sinabi?! Kainis ka!!” pinapalo palo nya pa din dibdib ko.

"THE PROMISE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon