SIYA

2 0 0
                                    

Siya
Ang dahilan ng iyong saya
Kapag andyan sya
Napapangiti ka bigla
Masilayan mo lang sya sobra na ang iyong ligaya
Ako ang nasa iyong tabi
Sya ang dahilan ng iyong ngiti
Magkasama na tayo mula noon
Indi mo napapansin damdamin na mayroon
Siya na hindi binibigyan ng importansya
Lahat ng bagay na ginagawa mo para sa kanya
Siya na nagbibigay ng matinding kalungkutan
Sakit na sa ngayon ay iyong pinagdadaanan
Subukan mo naman lumingon
Hindi yung parang siya na ang iyong panginoon
Ibaling mo ang atensyon mo sa bagay na totoong mapapasaya ka
Sa bagay na pinapangarap mo talaga
Unahin mo ang iyong sarili
Gawin mo ang mga bagay na sa iyo ay tunay na magpapa ngiti
Andito lang ako
Susuportahan ko ang mga gagawin mo
Kung para sa ikakabuti ng iyong pagkatao
At bubuo para maayos mo ang iyong mundo

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ako, Ikaw at Siya Where stories live. Discover now