LOVE...
4 letter word pero napakacomplicated.
Di ko alam kung bakit masyadong mainstream ang salitang ito. Madalas pa ngang ikumpara ito ng mga tao sa iba't-ibang bagay sa paligid. Dahil para sa kanila maraming kahulugan ang salitang ito.
Pero hindi ba nila naisip na ang katumbas ng LOVE ay ang salitang PAIN?
Kala mo ba once na nagmahal ka, happily ever after na?
Masyado ka kasing naniniwala sa mga pinapanood o binabasa mo. Feeling mo nasa fairytale ka na kung saan may isang prinsesa na naghihintay na sagipin ng isang knight in shining armor. Pustahan tayo, kada basa o nood mo iniimagine mo ikaw yung bida. Damang-dama mo ang bawat eksena. Daig mo pa nga yung bida kung makareact.
KALOKOHAN!
Sa kakanood at kakabasa mo, tumataas lang lalo expectations mo pagdating sa love.
And eventually, EXPECTATIONS lead to DISAPPOINTMENTS.
Ang totoo sakit lang ang naidudulot ng pag-ibig. Nililinlang ka lang nito. Sa una kala mo masaya pero pag tumagal puro sakit na lang ibibigay sa'yo.
Tandaan mo, di naman oxygen ang love na pag nawala ay di ka na mabubuhay.
*PAAAAAAAAAAK*
Hinimas ko ang aking ulo na tinamaan. Ang sakit nun ah.
"Ano ba problema mo Sadie? Bakit nilukot mo yung essay ko tapos binato mo pa?" Tinaasan lang ako ng kilay ng babaeng to.
"Nyemas naman. Ngayon kaya submission niyan. Patay ako sa prof ko."
"Hoy Breeyah kung ako prof mo singko ka na."
"Aba bakit?"
"Grabe ka. Di ko kinaya ang bitter hormones mo. Ang essay kasi tungkol sa power of love. Anyare? Kung anu-anong kabitteran pinaglalagay mo."
BINABASA MO ANG
When Bitter Turns Sweet (Short Story)
Teen FictionSi Breeyah ay ang babaeng bitter sa love. Walang karanasan sa larangan ng pag-ibig pero sinara na nya agad ang isip pagdating sa konseptong ito. Pero pano kung dumating ang lalaki na hahamakin ang lahat makuha lang ang matamis niyang "OO", magbago k...