Luna
Mag aga akong nagising kesa kay Leo kaya ma aga akong nakapag ayos ng sarili ko. Kasalukuyan akong nag liligpit ng gamit ko.
Lilipat kasi kami ni Leo ngayung araw mismo sa sarili naming condo. Tig isa kami ng condo pero magkatabi lang naman. Tapos na rin naman akong mag impaki yun nga lang sinisigurado ko na wala akong makakalimutang gamit dito sa bahay.
Pababa na ako nang makasalubong si Leo. Mukhang kagigising lang nito kaya mukhang zombie ito kong mag lakad. Tss.
"Tara na Leo. Sa condo mo nalang ikaw maligo."
Sabi ko sabay kaladkad sa kanya. Tss. This guy is always late kaya ako nalang ang nag paparaya palagi. Ng makababa na kami ay balak na sana namin dumeretso palabas ng bahat ngunit tinawag kami ni mommy para kumain.
"Mom sa school nalang po. We're in a hurry po kasi. Sege po una na po kami."
Sabi ko at kinaladkad nanaman si Leo. Pag kapasok namin sa sasakyan ay sinabihan ko na ang driver na dumeretso na sa condo. At ng makarating kami ay agad na akong bumaba ng sasakyan.
"Leo i need to go first. Sege see you later."
Sabi ko at agad nang umalis. Nag abang ako ng taxi hindi kalayuan sa condong tinitirahan namin. Sana di pa ako huli sa school. Hayss... Si Leo kasi ehh. Antokin. Palibhasa nine pa yung klase niya maraming oras pa siyang makapag handa.
Nang makarating ako sa school ay pinag titinginan nanaman nila ako. Ngayun lang ba sila nakakita ng nerd na get up? How sad naman para sa kanila.
Dumeretso na ako sa gym. Dito daw nag hihintay sila Crystal at Lucy. They are my old friend ang alam kasi nila tumigil na ako sa pag aaral kaya laking tuwa nila nang malamang mag-aaral ako muli. Pero di nila alam kong ano talaga ang pakay ko rito.
Nang pag tapak at pag tapak ko palang sa entrance ng gym ay nasilaw ako sa ilaw na nakatotok sa akin ng sipatin ko ito ay isa palang spotlight. Patuloy pa rin ako sa pag aadjust ng sarili ko sa ilaw habang nangingibabaw naman ang kasayahang aking nararamdaman.
They really welcome me nicely. It was an unforgetable moment i had. Ang saya ko sa mga sandaling ito kasi kahit minsan ko na silang tinalikuran ay tinanggap pa rin nila ako bilang isang kaibigan.
Nabalik ako sa aking huwisyo ng magsalita si Stacy sa mic.
"Good day everyone." Nag stop muna ito sandali bago nag patuloy. Napansin ko ring maraming estudiyante ang nandidito sa gym. Siguro mga nasa kalahati ng mag-aaral.
How come i didn't notice them?
"I know na hindi niyo pa kilala ang taong ito, pero maraming salamat sa inyong mga presensya ngayun, dahil ngayun mismo ay sasalubungin namin ang aing kaiibigang matagal naming hindi nakasama."
Pag papatuloy ni Stacy. I didn't wish to be this kind of thing ang gagawin nilang pag welcome sa akin. Kaya na surprise talaga ako sa mga kalokohan nila.
"Friend halika dito." Pag re-refer sa akin ni Stacy. Pero bago pa ako makalapit ay tuluyan na akong iginiya ni Lucy sa kanilang spot.
"Dahil ako ang president ng council gusto kong i welcome nating lahat ang nag babalik kong kaibigan.
Miss Luna Miller."
Nagpalakpakan naman ang lahat ng estudyanting nakapalibot sa amin.
Lumapit ako ng bahagya sa kanilang dalawa at marahang ibinaba ang mic sa harap ni Stacy at ni Lucy.
"You didn't need to do this."
Sabi ko sa kanila. Tinignan naman ako ng masama ni Lucy.Sa amin kasing mag kakaibigan siya yung tipo na ayaw niyang kinukontra yung mga plano niya kaya ganyan siya.
YOU ARE READING
Her Secret's
RandomAng babaeng may sariling mundo. Ang babaeng misteryuso. Ang babaeng walang kaibigan dahil sa pagiging wierdo ay may tinatagong secreto. Safe paba ang secreto niya sa pagdating ng taong yun? O baka naman malalaman ng buong mundo ang kanya tinatago. ...