A MAN WHO GIVE LOVE ON SOMEBODY WHO DID'NT CARE ABOUT HIS FEELING....
Talaga nga bang ganito ang Life?
Pwede nga'ng magmahal pero masasaktan ka lang din naman.
Totoo nga siguro ang kasabihan na ang kakambal ng PAGIBIG ay ang pagpapasakit
Pwede bang umibig ng hindi nasasaktan?
Mali bang magmahal ng tapat at seryoso?
Mali bang magbigay halaga sa taong mahal na mahal mo?
Minsan na akung umibig binigay ko lahat ng atensyon para sa kanya
Ngunit ni wala man lang kahit isang kusing ang isinukli niya sa akin,
ganun na ba talaga ako kahirap mahalin?
Para maranasan ko ang lahat ng ito?
Wala na ba akung karapatang maging masaya?
Bata pa nga lang ako pinangarap ko nang umibig sa isang simpleng tao na iba sa lahat,
yun bang tanggap ako,
kung ano sa loob at hindi sa labas na ka anyo-an
Sabi ko nga pangarap lang ang lahat ng ito
dahil sa halip na isang simple at mapagmahal na babae ang aking kinababaliwan
bagkus ay nabighani ako sa isang babaing magdudulot ng napakalaking perwesyo sa buong pagkatao ko
At hindi lang sa damdamin kundi pati na rin sa kahihiyan ko!
Tanong kulang
Kung mahal mo ang isang tao tama bang ikinahihiya mo sya?
Dapat bang gawin mo syang alalay pag may kaharap kanang iba?
At ituturing na parang hangin lang at hindi kilala sa harap ng karamihan?
Bakit nga ba umibig ako sa isang tulad niya?
pag iba kasama niya mukang katulong niya lang ako
Yun bang halos lahat inuutos sakin
pag kami nalang magkasama dalawa, ang sweet-sweet niya
Minsan nga halos huhubaran na niya na ako sa kalandian niya.
Nakakainis man isipin pero siya ang sinisigaw ng puso ko
Kahit sabihin niyong Martyr ako? Baliw?
Siguro nga baliw na ako! Dahil mismo ako naaawa na sa sarili ko
pilitin ko mang kalimutan siya ay di ko magagawa tila ba nakapusas na ako para sa kanya