Part 1

1 0 0
                                    


'kring' 'kring'

Nagising ako sa alarm ko.

Agad akong nagtungo sa banyo para maligo at nang natapos ko na agad akong nagbihis ng uniform ko.

Tinignan ko ang sarili kong repleksyon sa salamin kong malaki na katabi ang mini table ko. Nakasuot ako ng uniform kong puting polo at pinatungan ng black suit na may nakalagay na logo sa left side ng chest ko, inayos ko ang  neck tie ko. Nakasuot din ako pang baba ng kulay dark blue palda above the knee, long sock at school shoes at winagayway ko ang buhok kong mahaba na may kunting alon sa baba.

May kumatok sa aking pintuan.

 'heaven, ija naka handa na ang almusal mo sa baba'

'coming manang!'

Agad akong napangiti kay manang siya. Mula bata pa lang ako, kasambahay na namin sya at tinuring ko na sya na parang nanay.

Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta sa hapag kainan. Ang saya ko kasi makakasabay kong kumain si mama at papa minsan lang kasi kami nagkakasama kasi sobrang busy nila sa mga negosyo namin.

'good morning papa, mama!' sabay kiss sa kanilang cheeks

'umupo kana at kumain baka ma late ka pa sa school' sabi ni papa

Agad akong umupo at kumain ayaw kasi nilang nagbabagal bagal ako sa pag kilos.

Nag uusap sila tungkol sa gagawin nilang isa pang business at nakaka rindi sa tainga kasi wala na silang inatupag na iba kundi negosyo kahit sa sarili nilang anak di na nila nabibigyan ng oras pero iniintindi ko na lang kasi naiintindihan ko.

I am so lostWhere stories live. Discover now